Baguio jail napapanatili ang Covid-free status

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang male dormitory ng Baguio City Jail ay wala pang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil nananatili itong nasa ilalim ng absolute lockdown, na ang mga paggalaw ng mga tao at produkto ay nasa ilalim ng mahigpit na kontrol, ayon sa warden noong Huwebes.
Sinusunod ng piitan ang isang napakahigpit na protocol sa pagpasok at paglabas ng personnel, mga bagong naarestong tao, at mga produkto at nagbibigay serbisyo upang maprotektahan ang nasa 350 persons deprived of liberty (PDL) mula sa sakit, sinabi ni Jail Supt. Mary Ann Ollaging-Tresmanio.
Ang mga bilangguan sa buong bansa ay nasa lockdown mula pa noong Marso 21, na iniutos ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Sinabi niya na isinasagawa nila ang isang scheme kung saan 40 porsiyento ng kanilang personnel ay naitalaga sa piitan, 40 porsiyento ay nasa home quarantine upang palitan ang nasa aktibong duty, at 20 porsiyento ay nakatalaga sa response team ng piitan.
“Personnel are placed on strict home quarantine under the supervision of our duty nurses. They should yield a negative RT-PCR (reverse transcription-polymerase chain reaction) test prior to redeployment,” ani Tresmanio.
Sinabi niya na isang triage ang itinayo sa entrada ng bilangguan upang ma-screen ang bagong dating na mga PDL at personnel at mga supplies ay nasa-sanitized bago ipasok ito. Binigyan-diin ni Tresmanio na sa tulong ng pamahalaang lungsod at ng Department of Health ay sumasaillaim ang mga PDL sa swab test sa police station bago sila ilipat sa city jail.
Sa oras na nasa loob na, ayon sa kaniya, ang isang bagong pasok na bilanggo ay ilalagay sa quarantine sa loob ng 14 na araw. Sinabi ni Tresmanio na habang ipinagbabawal pa ang pagbisita, ay pinapayagan ang mga bilanggo na makausap ang kanilang mga pamilya at abogado sa pamamagitan ng “E-dalaw” at paggamit ng opisyal na telepono ng pasilidad.
“Court hearings are done virtually. Thanks to the city government for our strong Internet connectivity,” aniya. Habang ipinapatupad ang mga restriksiyon ay siniguro ni Tresmanio na ang ipagpapatuloy ng BJMP na itaguyod ang makataong pangangalaga at pagpapahusay sa mga PDL.
LA-PNA/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon