Baguio lalong lumamig sa 12 degrees Celsius

Nakapagtala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ng pinakamababang temperatura sa lungsod na 12 degrees Celsius umaga noong Martes (Enero 15).
“The temperature can even go lower as the peak of ‘amihan’ (northwest monsoon wind) strengthens until February. This is the lowest recorded temperature for this month,” ani Pagasa Baguio weather synoptic station observer Efren Dalipog.
Pinayuhan niya ang mga residente na laging magsuot ng jacket o makapal na damit para mainitan sila. Ang temperatura sa tinaguriang “summer capital” ng bansa ay karaniwang bumababa sa mga bwan ng Enero at Pebrero na kung saan sa ilang pagkakataon ay umabot pa hanggang Marso.
Ang pinakamababang naitalang temperatura sa Baguio ay 6.3 degrees Celsius noong Enero 18,1961 na kung saan ang temperature reading ay bihirang lumalagpas sa 26 degrees Celsius kahit pa sa pinakamainit na panahon ng taon.
Samantala sa Atok, Benguet ay naiulat din ang unang senyales ng andap umaga ng Miyerkoles. Napakataas ang mga elebasyon sa Atok kabilang na ang “highest peak” sa Philippine highway system.
Sinabi ni Dalipog na ang temperatura sa Atok ay nasa pagitan ng 8 hanggang 10 degrees Celsius na nagdulot ng andap.
“Vegetable crops in the area affected by frosting need to be watered to avoid burning of the pulps so that they will not be damaged,” aniya.
Siniguro ni Dalipog na hindi makakaapekto ang andap sa mga presyo ng gulay dahil ang ganitong pangyayari ay nagaganap lamang sa isang maliit na lugar sa Atok, Benguet.
P.GEMINIANO, PNA/PMCJ/ABN

Amianan Balita Ngayon