Baguio ‘medium’ compliance sa road clearing: DILG

LUNGSOD NG BAGUIO – Sinabi ng isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong Martes na ang lungsod ay nakakuha ng 80 marka sa pagsunod sa direktibang road clearing ni Pangulong Rodrigo Duterte. “Medium compliance yun. The failing grade is 75 points,” ani DILG Baguio officer Evelyn Trinidad.

Sinabi niya na sa kabuuang 306 national, city at barangay roads sa lungsod, 154 kalsada ang naideklara nang obstruction-free o 50.32 porsiyentong compliance rate. Base sa assessment at validation form para sa local government units, may anim na indicators na magdedetermina sa marka ng mga LGU: 50 puntos para sa road clearing, 15 puntos para sa rehabilitation, 15 puntos para sa ordinance, 10 puntos para sa displacement, limang puntos para sa grievance mechanism at limang puntos para sa inventory.

Sinabi ni Trinidad na ang problema sa Baguio ang karamihan ay sa illegal parking at mga nagpapaparada sa mga kalsada, lalo na ang mga public utility vehicles na nakapagtatag ng kanilang loading at unloading area sa mga kalsada.

May mga ilang imprastraktura na nagencroached na sa mga kalsada na kailangan pang tanggalin, ani Trinidad.

“Konti na lang iki-clear nila. Ang marami kasi sa atin dito illegal parking, not so much on obstruction na building especially dito sa CBD (central business district),” ani Trinidad.

Sinabi niya na magiisyu sila ng isang advisory sa mga barangay para panatilihin at ipagpatuloy nila na tanggalin ang illegal parking na laganap sa mga barangay.

Sinabi ni Trinidad na inirekomenda nila sa pamahalaang lungsod na ituloy at bilisan ang kanilang plano para sa isang multi-level parking building sa CBD at north at southbound terminals.

Samantala, isang ulat na nakuha, ipinapakita na apat na LGU ng Cordillera na hindi pumasa sa road clearing compliance. Ito ang mga bayan ng Boliney at Manabo sa probinsiya ng Abra, Kabayan sa Benguet at Banaue sa Ifugao.

Sa DILG website ay sinabi ni Secretary Eduardo Año na binigyan ang mga LGU ng limang araw sa oras ng pagkatanggap ng show cause order para ipaliwanag nila ang kanilang non-compliance sa direktiba ng Pangulo.

Para sa pagkabigo ng LGU na ipaliwanag ang panig nito, isusumite ng DILG ang kanilang mga pangalan sa Pangulo at magpipila ng kaukulang reklamo sa Office of the Ombudsman.

PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon