Baguio nagsagawa ng donation drive para sa mga biktima sa Taal

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagsagawaang pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office ng isang donation drive para sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal. Sinabi nina Mayor Benjamin Magalong at CSWD Officer Betty Fangasan na tatanggap sila ng mga donasyon bagayman o cash simula Enero 14, Lunes hanggang Biyernes mula 8 n.u. hanggang 5 n.h. at ito ay ipapadala sa mga apektadong local government units.
Ang mga donasyon na bagay ay maaaring dalhin sa CDRRMC Evacuation Center, Motorpool, Lower Rock Quarry, City Camp at hanapin si Joy Hilario o Ruth Bioyo.
Ang mga bagay na donasyon ay maaaring food packs, bottled water, hygiene kit, blankets at mga damit na kung maaari ay bago, ngunit maaari din ang mga used clothes basta malinis at maaari pang magamit.
Ang mga perishable items gaya ng mga gulay ay pinapayagan maliban sa mga madaling msira gaya ng madadahong gulay.
Hinihiling sa mga donors na i-itemize at lagyan ng label ang kanilang mga donasyon para sa mas
madaling sorting at packing.
Tatanggapin ang cash donations sa Cashier’s Office sa City Hall at hanapin si Nida Rotor o Rhonda De Guzman o maaari ito ideposito sa Land Bank of the Philippines sa account name City Government of Baguio at account number 3552-1006-61.
 
APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon