Banyagang barko na-stranded sa dagat ng Pangasinan

BOKLINAO, Pangsinan – Isang cargo vessel ang naka-angkla sa katubigan ng bayang ito sa Kanlurang Pangasinan sa loob nang ilang araw na dahil sa problema sa makina at nadiskubreng naglalaman ng tone-toneladang bigas mula Vietnam sa isinagawang inspeksiyon ng mga awtoridad noong Enero 8.
Sumama sa inspection team si Bolinao Mayor Arnold Celeste na nilikha niya na binubuo ng mga kinatawan mula Philippine Coast Guard, Philippine National Police Maritime, Bolinao Police Station, Bantay Dagta at ng local government unit (LGU), gayundin ang mga kinatawan mula Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sinabi ni Celeste na nag-ulat sa kaniya ang Bantay Dagat ng LGU ukol sa kahina-hinalang presensiya ng cargo ship na MV Honour (isang Panamanian cargo ship) halos 15 kilometro hilagang-silangan ng barangay Dewey ng bayang ito.
“The Bantay Dagat went around the ship several times to get the attention of the ship crew but it was futile as no crew was sighted. No distress call was received by any government agency concerned based in the province of Pangasinan,” pahayag niya sa isang panayam noong Enero 9.
Ang open sea ng bayan ng Bolinao ay isang international nautical highway.
Siniguro ni Celeste na ang LGU ay “laging nakaalerto” upang mahadlangan ang anumang ilegal na mga aktibidad na maaaring mangyari sa hurisdiksiyon nito.
Sinabi pa niya na nakausap pa nila ang mga pasahero ng barko sa isinagawa nilang inspeksiyon.
“The ship captain identified himself as Zhau Qun, a Chinese national. Onboard are 15 crew members from China, Vietnam, Myanmar, and Indonesia. The team was peacefully and properly received inside the cargo ship, we were toured and were shown the hull where the rice shipment is stock-piled,” ani Celeste.
Napag-alaman ng mga awtoridad na may lamang mahigit na 3,000 metric tons o katumbas ng 60,000 sako ng bigas mula Vietnam. Ang Poro Point sa San Fernando City, La Union ang point of entry nito.
Ang pangalan ng consignee na nakasaad sa mga dokumentong iprinisenta ng mga opisyal ng barko ay Golden Mountain Multi-Purpose Cooperative na nakabase sa bayan ng San Quintin, Pangasinan.
Samantalang ang contact person na siyang tatanggap ng shipment sa Poro Point ay isang nagngangalang “Alex Chua.”
L.YPARRAGUIRRE, PNA/PMCJr, ABN

Amianan Balita Ngayon