Bayanihan grant ng Tabuk mapapataas ang kahandaan at pagtugon sa COVID

LUNGSOD NG TABUK – Nakatanggap ang pamahalaang lungsod ng PhP93.4 milyon Bayanihan cash grant na katumbas ng isang-buwan na internal revenue allotment (IRA) nito upang dagdagan ang kahandaan at pagtugon nito sa COVID-19.

Sinabi ni Mayor Darwin C. Estranero na PhP60 milyon ay ilalaan upang mapataas ang COVID-19 preparedness at response operations sa 42 barangay ng lungsod na puntirya ang mahigit 35,000 sambahayan. Ang halagang PhP31 Milyon ay gagamitin para sa ventilators, test kits, personal protection equipments ng mga frontliners, disinfectants, improvement of isolation facilities, family food packs at iba pang medical logistics.

Ang natitirang PhP2.4 milyon ay gagamitin sa ibang incidental expenses na kailangan sa relief operatio, aniya.

Ang financial grant sa local government units na ibinibigay sa ilalim ng Republic Act 11469 o ang Bayanihan to Heal As One Act ay sumusuporta sa LGUs upang labanan ang pandemya ng COVID-19.

Samantala, ngayong lumipat na ang lungsod mula ECQ sa general community quarantine (GCQ) hanggang Mayo 15, nanawagan si Estranero sa mga residente na sundin pa rin ang health protocols.

“Let’s not be complacent under the GCQ, lest the enemy COVID-19 will find chance to get in,” ani Estranero. Inadopt ng lungsod ang national Inter-Agency Task Force (IATF) GCQ guidelines na nagpapahintulot sa regulated mass transport, regular work in government, regulated business operation, more relaxed inter-municipality transport para sa mahahalagang bagay ngunit ang malalaking pagtitipon ay hindi pa pinapayagan.

Niliwanag ni Estranero na ang window hours sa mga mahahalaga ay susundin pa rin at ang mga may edad 20 at mas mababa at 60 taong gulang pataas at mga residenteng may iniindang sakit ay dapat manatili sa bahay.

Ang curfew hours ay mula 8 p.m. hanggang 5 a.m. Nauna nang nag-isyu ang LGU ng advisory sa mga estudyante at manggagawa na naipit sa labas ng Tabuk sa panahon ng ECQ na manatili sa kinalalagyan nila hanggang sa matanggal ang GCQ.

Gayunman, kung may ilan na nagdesisyong umnuwi sa ilalim ng GCQ, nakahanda ang mga paaralan bilang holding areas para sa 14 na araw na quarantine.

Hanggang sa sinusulat ito ay nananatiling deklaradong COVID-19 free ang Tabuk.

LL-PIA-CAR/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon