BeGH Molecular Lab magsisimula ang dry run operation

LA TRINIDAD, Benguet – Ang molecular laboratory para sa coronavirus testing sa probinsiya ay magkakaroon ng dry run nito ngayong buwan at inaasahang magiging lubos ang operasyon sa Enero.
Sinabi ni Governor Melchor Diclas sa iang press briefing noong Huwbes na ang probinsiya ay naghihintay ngayon ng sertipikasyon mula sa Department of Health para sa molecular laboratory sa Benguet General Hospital (BeGH) upang mag-operate.
Sumailalim sa mga pagsasanay ang mga BeGH personnel na magtratrabaho sa laboratory sa ilalim ng DOH sa pamamagitan ng Research Institute of Tropical Medicine.
Pinasalamatan ni Diclas si Benguet Legislative Caretaker Congressman Eric Go Yap na personal na bumunot ng bulsa para sa konstruksiyon ng gusali kung saan ilalagay ang molecular laboratory sa BeGH compound.
Ang gusali ay pinasinayaan noong Setyembre ng nakaraang taon.
Nagbigay din si Yap ng reverse transcription polymerase chain reaction (RTPCR) a automated extraction machines na kailangan para sa operasyon ng pasilidad. Subalit ito ay ipinahiram sa Baguio General Hospital and Medical Center upang tulungan ang pasilidad sa testing nito na itinalagang sub-national testing laboratory sa Northern Luzon.
Bumili siya ng mga bagong makina na gagamitin ng BeGH lab at hahayaang gamitin ng lungsod ng Baguio at iba pang kalapit na rehiyon at probinsiya ang mga makina sa BGHMC.
Sinabi ni Diclas na ang molecular laboratory ay malaking tulong para sa probinsiya ng Benguet sa patuloy na laban kontra COVID- 18 partikular sa pagpapahusay ng testing capacity ng local health facility at siguruhin na ang mga frontliners at mamamayan ng Benguet ay masusuri sa COVID-19.
RMC-PIA CAR/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon