“BUKOD-TANGING KAWANI NG CUSTOMS”

Sa gitna ng mga kontrobersiya sa Bureau of Customs (BOC), na nagdiwang ng ika-121st taong
pagkatatag noong Martes, ika- 7 ng Pebrero, ay mga bukod tanging kawani ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS). Lingid sa kaalaman ng marami, isang natatanging anak ng Benguet province ang hepe ng BOC-CIIS sa katauhan ni Director Jeoffrey Tacio.

Mula sa pagiging mahusay na operatiba ni Tacio hanggang sa pagiging Regional Director sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Region 1, iwinagayway nito ang prinsipyong higit na pagsilbi sa bansa kaysa sa sariling kapakanan. Sa paglipat ni Tacio sa BOC bilang Director ng
CIIS, nagpakita din ito ng kahusayan sa tungkulin at paninilbihan sa bayan na pinatunayan ng gawaran ang CIIS ng parangal dahil sa border-protection efforts noong Martes sa ika-121st
founding anniversary ng ahensya.

Tinanggap ni Tacio ang parangal ng BOC sa pamamagitan din ng pagkilala sa lahat ng sakripisyo ng mga kawani ng CIIS sa buong bansa sa mga pinagtagumpayang operasyon kontra smuggling
at hinikayat ang pagpapatuloy sa kanilang mga pagpupursige kontra sa smuggling. Ilan sa mga
signipikanteng nasakote ng BOC-CIIS ay ang P21,655,776,268.18 alerted shipments sa Manila
International Container Port (MICP), mga Letters of Authority (LOA) at joint buy￾bust operations noong 2022 na nahigitan pa ang P18,190,539,469 noong 2021, P1,240,773,000 noong 2020, at
P4,509,963,186 noong 2019.

Pinagkakalandakan ng BOC-CIIS ang nasabat nitong P2.4 bilyong shabu (360 kilos) noong August ng nakaraang taon sa Pozorrubio, Pangasinan, na marahil ay pinakamalaki nang anti-drug operations ng ahensya sa bansa kasama ang PNP, PDEA at AFP. Una nang nalambat ng CIIS noong Marso 2022 ang P1.088 bilyong (160 kilos) shabu sa Brgy. Karuhatan, Valenzuela City. Ang bilyong-bilyong nasakote ng BOC-CIIS na mga illegal na kargamento noong 2022 ay patunay na malaki pa ang kanilang gagampanan upang masugpo ang smuggling sa buong bansa.

LOOK AT UKRAINE

IMPAKABSAT

Amianan Balita Ngayon