Cashless payment solutions company muling inilunsad ang mga serbisyo

LUNGSOD NG BAGUIO – Muling inilunsad ng cashless payment solutions company na SquidPay Technology Inc. ang mga serbisyo nito kabilang ang cashless payment para sa mga serbisyo ng gobyerno sa lungsod.
Sa relaunching program na dinaluhan ni SquidPay Chief Operating Officer/President Enrico Tamayo, sinabi ni Project Manager Shirley Medina na sa pag-apruba sa electronic money issuer (EMI) ng kompanya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang SquidPay ngayon ay nagtratrabaho bilang isang electronic wallet na nag-aalok ng isang malawak na mga serbisyo sa pinansiyal na may minimum transaction fees kabilang ang mga sumusunod: pagpapadala ng pera, pagbabayad ng mga bayarin (bills), pagbili ng mobile load at pagbayad sa mga produkto at serbisyo sa mga affiliated stores.
Ang mga gumagamit ng SquidPay ay maaari ding magcash in sa pamamagitan ng bank deposits, over-the-counter sales sa mga SquidPay kiosks, internet banking transfers, at payment centers. Dahil nakaintegrate sa Instapay, real-time transfers ay maaari.
Ang mga gumagamit ng SquidPay ay maaaring magpadala ng pera sa participating BSP-regulated banks and e-money issuers. Ang withdrawals, sa kabilang banda, ay maaaring gawin sa pamamagitan ng authorized banks, payment centers, SquidPay kiosks, at SquidPay debit cards via Bancnet, Visa, MasterCard.
Pinapangalagaan din at sinisiguro ang seguridad ng personal information ng mga gumagamit na ito ay nakabase sa istriktong panuntunan ng BSP. Sinabi ni Squidpay national operations manager Elmar Panganiban na sa pagpapahusay sa sistema ng kompanya, ang pagpapalawak sa coverage at serbisyo sa lungsod ay maaasahan kabilang ang mas nakikitang loading stations, mas maraming bilang ng partner merchants na kasama hindi lamang ang malalaking establisimiyento kundi pati small at medium enterprises kapuwa sa negosyo at sektor ng transportasyon at pagsama ng mga barangay sa lungsod.
Sinabi ni Panganiban na sa madaling panahon ay iaanunsiyo nila ang mga pangalan ng mga establisimiyento na onboarded sa lungsod at kanilang mga awtorisadong ahente kung saan ang AquidPay ay magagamit na.
Sinabi niya na ang onboarding activities ng kompanya ay sasakupin na ngayon ang mga parke ng lungsod, public market, parking, transport, government services, private business at SMEs. Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na ang SquidPay ay ang cashless payment provider ng programang Baguio in my Pocket (BIMP) ng lungsod upang gawing digital ang mga transaksiyon sa gobyerno bilang bahagi ng digital transformation na layunin ng lungsod.
Layon ng BIMP application nag awing modern ang data base ng lungsod para sa multiple purposes gaya ng disaster preparedness, social services, business distribution, contact tracing at ease of doing business kasama ang registration ng digital ID cards at e-wallets at QR codes.
APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon