Category: Daplis Walang Mintis

Pasko sa Pandemya… Ano Kaya?

Ilang araw na lang…Pasko na. Ang tanong – anong templadang Pasko? Mapait…? Masakit..? Baka paskong walang lasa…? In short…walang kuwenta? Tsk..tsk…nakakapanghinayang na kapanganakan ni Hesus para sa mga nakakarami at dama ang dulot ng pandemyang-Covid. Pero para sa mga pusong bato na walang damdamin….baka balewala ang pandemya at tuloy lang ang kanilang ligaya nitong Kapaskuhan. […]

Trahedya kakambal ba ng pulitika?

SUS GINOONG MAHABAGIN!!! Ano ba ireng nangyayari sa ating bansa? Patung-patung na ang mga trahedyang humilatsa sa ating harapan. Pero andito pa ang mga samot-saring mga kontrobersiyang kung wala kang pasensiya ay makakapatay ka ng SUROT. Yan nga ang ating upakan, mga pards kasi marami na ang napuputalan ng sintron at banas na talaga. Pero […]

COIVD-19…Sinamantala ng mga ganid!

Mariakusina….Pandemya na nga…sangkatutak pa ang mga nagsulputang mga ganid. Di ba malaking kalintikan ire? Sa halip na tumulong sa kapwa, inaagawan pa ng lamang-bituka. Kaya ang talagang terminolohiyang dapat sa mga ganitong tao ay MGA GANID! Kung papano nabubuhay ang mga hunyangong mga ire…isaisahin nating halukayin. Pero bago sa lahat, salamat sa mga kababayan nating […]

Gamot o bakuna sa COVID-19 …Kailan?

Sala-salabat na ang mga lumalabas na mga espekulasyon, hakahaka, tsismis at iba pang terminolihiya dahil lamang sa KAILAN KAYA ANG BAKUNA O GAMOT SA COVID? Napakahirap sagutin, di ba? May mga bansa nagpapatutsada na na kesyo meron na raw silang ginagawang hakbang upang makatuklas ng bakuna o vaccine. Pero teka, pards…sa likud ng kung aling […]

Mga Pasaway sa Protokol… Dumami?

Meron ba kayong puna noong June 12…araw ng ating kalayaan? Para daw limot na bayani, pards. Bakit? Kasi nga naman, mas nagsentro pa rin ang usapusapan sa Covid-19 kaysa Araw ng Kalayaan. Tsk tsk…ganyan talaga si Pinoy. Kung ano ang bago at kasalukuyang kaganapan o kontrobersiya, doon nasesentro ang utak. Pero teka lang, pards..napaguusapan ang […]

COVID lumuwag… Pero marami sumikip!

Habang lumuluwag ang sinasakup ng corona virus sa mundo, maraming bagay ang sumisikip. Una sa lahat, marami sa mga nabibiktima ng Covid- 19 ang sumisikip ang daigdig sa sandamukal na problema. Yong iba, nababaon na sila sa hukay ng alanganin. Yong iba nga, sa tindi ng depresyon, may mga lumulundag na sa sa mga gusali […]

Maraming Tanong!… Paano ang Sagot!

Sala-salabat na mga tanong…at sala-salabat din ang mga sagot. Pero teka lang…nauunawan ba ng bayan ang mga tanong at sagot na yan? Tsk tsk…malamang kaysa hindi, iilan lang ang nakakatalos ng tama. Ibig sabyan, este sabihin…parang mas nakakarami ang di talos ang katuturan ng tanong at lalo nang hilo sa sagot. Sige, subukan nga nating […]

COVID puno parin ng Kontrobersiya

Buwan na ang lumipas ngunit parang humihirit pa rin ang Covid-19 sa ating bansa. Kahit mas marami ang nabiktima nito sa ating mga kapitbahay na bansa…maituturing pa ring banta ito sa atin. Ang bilang ng mga nagpositibo na ating kababayan ay isang patunay na malas na badya ito na maaring lumala pa. Kaya ang malaking […]

Dahil sa COVID… Pati Utak Natutusta!

Grabe na talaga itong Covid-19 na ito. Kung anu-ano na ang nangyayari sa daigdig. Dahil sa takot sa virus na nagresulta ng gutom…marami na raw ang nabuburyong. Ang masakit, hindi na lang sa patalim kumakapit. Pati na sa bulsa ng may bulsa. Kita naman natin sa usapang relief palang…tumitindi na ang gawaing demonyo. Marami ang […]

COVID… Marami ang NaLockdown!

Mariasantisima! Yan ang kadalasang ingay at bangungot ng mga di na makatiis sa pagsulpot ng sinasabing “new normal”….o sa mas mababaw na termino – “bagong umaga”. Ito ang ibinunga ng sala-salabat at halos dikit-dikit na mga lugal na na-lock down. Bakit? Kasi nga..ayon sa mga eksperto sa isyung lock down….lantaran itong pagsasara upang walang makalabas […]

Amianan Balita Ngayon