Nakasaad sa Republic Act No. 6975 o ang Philippine National Police Law na may awtoridad ang mga city at municipal mayors na pumili ng kanilang chief of police mula sa isang listahan ng limang pangalan na rekomendado ng provincial police director at hangga’t maaari ay mula sa parehong probinsiya, lungsod o munisipalidad.
Bago maupo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2016 ay pumirma siya sa isang joint statement kasama ang Communist Party of the Philippine-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDF) kung saan nakapaloob ang general amnesty proclamation at pagpapalaya sa mga political prisoners at ang muling pagkakaroon ng “peace talks” na naitakda ng Hulyo […]
Talagang aani nang maraming kritisismo at batikos ang mga operasyon ng pulis laban sa mga tambay at pagalagalang tao dahil nakikita ito ng mga kritiko at kalaban ni Duterte na isa na namang kampanyang laban-sa-mahihirap katulad nga ng madugong giyera sa drogang “Oplan Tokhang” na pumatay ng libong tao. Halos walong libo na ang nasasakote […]
Iimbestigahan na ng Sangguniang Panglunsod ng Baguio ang nangyaring pagguho ng lupa sa ginagawang condominium project ng Mega Towers Realty sa Sandico St. kung saan natabunan nang buhay ang dalawang batang empleyado ng RCLaranang Construction na siyang kontraktor ng nasabing walong palapag na gusali. Titingnan ang mga posibleng paglabag ng kontraktor at ang maaaring ipataw […]
Mayroon nang umaapaw na sentimiyento na nagdurusa na ang mga “minimum wage earners” mula sa sabay-sabay na epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo, inflation sa basic commodities at mga serbisyo, at lahat ng ito ay isinisisi sa sama-samang epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. Dahil dito ay lumalakas na ang […]
Ang sahod o suweldo ay isang monetaryong kabayaran na ibinabayad ng isang employer sa kaniyang trabahador kapalit ng mga serbisyo nito. Ang prinsipyo ng pagbabayad ng sahod ay sunod sa kaisipan na anumang bagay gaya ng bigas, damit at iba pa, o lupa at paggawa ay may kaukulang presyo o halaga. Gaya ng mga paninda […]
Patuloy na nahaharap ang Pilipinas sa ilang mga hamon pagdating sa pagsisikap na isulong pa ang kwalidad ng edukasyon nito. Ang mabilis na paglobo ng populasyon, kakulangan ng pamumuhunan, pabago-bagong timpla ng ekonomiya, mga usaping kultural at social, mga kalamidad at mga armadong engkuwentro sa pagitan ng gobyerno at mga kalaban ng estado ay nagbibigay […]
Ang presyo ng mga produktong langis sa Baguio ang isa sa pinakamataas sa kasalukuyan, sunod sa Palawan na halos umabot na sa P70 ang isang litro ng gasolina. Malaki ang diperensiya sa presyo sa lungsod ng Baguio kaysa sa ibang mga bayan at probinsiya na nasa sampung piso ang agwat. Ang pagtaas ng presyo ayon […]
Ang barangay ang basic unit ng gobyerno na nilikha sa ilalim ng demokratikong anyo ng gobyerno ng Pilipinas upang mas madali, mas epektibo at mas maayos na mapamahalaan ng pamunuang sentral ang buong bansa. Ang barangay ang nagsisilbing barometro ng gobyerno upang malaman ang mga pangunahin at mahalagang detalye sa pamamahalang pangkalahatan dahil ang barangay […]
Iba’t ibang uri at yugto ang pagiging isang ina. May kani-kaniyang istorya ng buhay at kapalaran, may masaya at may malungkot. Maliban sa mga inang nagluwal sa mga anak ay mayroon ding nag-ampon at mayroon namang ina-inahan na itinuring na tunay na anak ang kanilang mga alaga.