Category: Police Patrol

Dalawang ama, nagbigti

CAMP DANGWA, BENGUET – Isang drayber at farmer ang parehong nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili, sa magkahiwalay na lugar sa Baguio City at Kapangan, Benguet, ayon sa ulat ng Police Regional Office-Cordillera. Ayon kay Superintendent Carol Lacuata, regional information officer, ang walang-buhay na si Pedro Dulay Runas Jr., 51, jeepney driver, ay natagpuang […]

15 anyos na lalaki, kinuyog sa terminal ng jeep

Arestado ang isang 20 anyos na lalaking estudyante matapos nitong pinalo ng isang matigas na bagay ang bunganga ng isang 15 anyos na binatilyo noong Oktubre 19, 2017, dakong 10 ng gabi malapit sa paradahan ng jeep ng Irisan sa Otek Street, Baguio City. Kinilala ang suspek na si Tristan Cabizon Bermisa, 20, single, estudyante […]

Isa patay, isa sugatan sa pamamaril

Patay ang kustomer ng isang kainan habang ang isa pa ay nasugatan nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek, umaga ng Huwebes (Oktubre 19) sa Bokawkan road, Baguio City. Hindi pa mahagilap ng mga pulis ang dahilan ng naturang pamamaril na pumatay kay Romeo Pimentel Jr. at dahilan ng pagtamo ng sugat ni Nexon Cadoy […]

16 anyos, arestado sa kasong pagnanakaw

Isang child in conflict with the law (CICL) ang inaresto noong Oktubre 19, 2017, dakong 2pm, sa Social Development Center (SDC), Balenben Irisan, Baguio City. Ang arrest warrant ay inihain ng mga miyembro ng Station 6 ng BCPO sa 16 anyos na binatilyo na residente ng Purok 5 Kias, Baguio City.

Lagakan ng NPA, nakubkob ng tropa ng gobyerno

STA. CRUZ, ILOCOS SUR (October 20, 2017) – Iniulat ng tropa ng gobyerno na nasabat nila ang ilang pinaglalagakan ng suplay ng New Peoples Army sa Ilocos Sur. Noong Oktubre 15, 2017 ay natagpuan ng 81st Infantry Battalion ng Philippine Army ang isang depot na naglalaman ng apat at kalahating sako ng bigas (175 kilos) […]

Executive mula QC, nalunod sa Pangasinan

BOLINAO, PANGASINAN – Isang company executive mula sa Quezon City ang nalunod dakong 9:45 ng umaga noong Oktubre 17 habang nagsu-swimming kasama ang mga kapamilya nito at kaibigan sa Patar beach, bayang ito. Sa ulat ng mga pulis, ang biktima ay kinilalang si Christian Andrew Avila, 33, logistics head ng Monde Nissin Corp., at residente […]

Kuya tinaga ng kapatid sa Apayao

Isang lasing na kuya ang tinaga ng nayamot na nakababatang kapatid sa bayan ng Sta Marcela sa Apayao noong Oktubre 17. Dahil sa kalasingan ay naghamon ng suntukan si Erick Calumpit Gorospe, 38, sa kanyang kapatid na si Jerry, 36, habang kumakain ng tanghalian kasama ang kanilang magulang sa kanilang tahanan sa San Mariano, Sta […]

Minero patay sa gas poisoning

LA TRINIDAD, BENGUET – Isang pocket miner, na walang abiso na pumasok sa loob ng tunnel, ang natagpuang patay dulot ng gas poisoning noong Martes (Oktubre 17) sa Sitio Luneta, Barangay Loacan, Itogon, Benguet. Kinilala ng Itogon Municipal Police Station ang biktimang si Rene Bontiyek Degma, 27, tubong Besao Proper, Besao, Mt. Province at kasalukuyang […]

Lasing na tatay, tinangay ang 2-anyos na anak

Sa kasalukuyan ay hindi pa mahagilap ang isang diumano ay lasenggo na ama matapos nitong tangayin ang 2-anyos nitong anak na babae, hapon ng Oktubre 8 sa Purok 4, Dontogan Baguio City. Dumulog sa Station 10 ng city police office sina Marcy Joy Cacdac, 25, at residente ng Samulog, La Trinidad, Benguet; at mag-asawang Brendesi […]

Amianan Balita Ngayon