Category: Police Patrol

Kuya tinaga ng kapatid sa Apayao

Isang lasing na kuya ang tinaga ng nayamot na nakababatang kapatid sa bayan ng Sta Marcela sa Apayao noong Oktubre 17. Dahil sa kalasingan ay naghamon ng suntukan si Erick Calumpit Gorospe, 38, sa kanyang kapatid na si Jerry, 36, habang kumakain ng tanghalian kasama ang kanilang magulang sa kanilang tahanan sa San Mariano, Sta […]

Minero patay sa gas poisoning

LA TRINIDAD, BENGUET – Isang pocket miner, na walang abiso na pumasok sa loob ng tunnel, ang natagpuang patay dulot ng gas poisoning noong Martes (Oktubre 17) sa Sitio Luneta, Barangay Loacan, Itogon, Benguet. Kinilala ng Itogon Municipal Police Station ang biktimang si Rene Bontiyek Degma, 27, tubong Besao Proper, Besao, Mt. Province at kasalukuyang […]

Lasing na tatay, tinangay ang 2-anyos na anak

Sa kasalukuyan ay hindi pa mahagilap ang isang diumano ay lasenggo na ama matapos nitong tangayin ang 2-anyos nitong anak na babae, hapon ng Oktubre 8 sa Purok 4, Dontogan Baguio City. Dumulog sa Station 10 ng city police office sina Marcy Joy Cacdac, 25, at residente ng Samulog, La Trinidad, Benguet; at mag-asawang Brendesi […]

Banggaan ng motorsiklo at taxi, 2 sugatan

Nagsalpukan ang isang motorsiklo at taxi bandang 8:40am ng October 9, 2017 sa kahabaan ng Harrison Road at Governor Pack Road intersection, Baguio City. Sugatan ang mga biktimang sina Renato Cardona Valdez, 27anyos, married, helper, at residente ng Aurora Hill, Baguio City, at Dahlia Cabradilla Robles, 24 anyos, single, helper, at residente Upper Mangga, Itogon, […]

Mag-asawa, biktima ng salisi

Nabiktima ng salisi ang mag-asawa sa pagitan ng 12:45am-4:35am ng October 8 sa loob ng kanilang unit sa Pine Ridge Condominium, Upper General Luna, Baguio City. Sa imbestigasyon, bandang 12:45am nang umalis diumano sa kanilang unit ang mag-asawang biktima na sina Murphy Harry Nocum, 30anyos, at Maria Fernanda Nocum, 29anyos, American National.

Beautician, nahuling nagbenta ng shabu

Huli ang isang 22-anyos na beautician sa pagbebenta ng shabu sa isinagawang sting operation ng pinagsamang operatiba ng anti-narcotics ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at lokal na pulis, umaga ng October 8, 2017 sa City Camp Alley Extension, City Camp Proper, Baguio City. Ang suspek na residente ng Monterrazas, Tuding, Itogon, Benguet, ay nahuling nagbebenta […]

Dahil nakatulog ang driver, motorsiklo nabangga ng FX

Nahagip ng isang Toyota Tamaraw FX na may plakang UJN 598 ang isang nakaparadang Suzuki Smash motorcycle na may plakang BF 75702 matapos na nakatulog ang driver ng FX habang nagmamneho sa Halsema Highway, Km46, Paoay, Atok, Benguet, 9:30 ng umaga ng Oktubre 10. Ang FX ay minamaneho ni Elmer Gumpa-ek Tolingan, 47, may-asawa, magsasaka, […]

Rebelde, sumuko sa Abra

BANGUED, ABRA – Sumuko ang isang rebelde sa pwersa ng gobyerno sa bayan ng Sallapadan, Abra noong October 8, ayon sa huling ulat ng pulisya. Si Lowel Carmelo Maglia, 22, pinaghihinalaang nasa ilalim ng Kilusang Larangang Gerilya (KLG) North Abra, ay sumuko kay Sallapadan Mayor Nenita Mustard Cardenas, mga Cordillera police at grupo ng Philippine […]

Babaeng lider ng gun-for-hire, nadakip sa Pangasinan

UMINGAN, PANGASINAN – Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Umingan police ang babaeng kilala bilang lider ng sindikatong gun-for-hire na nag-ooperate sa Pangasinan at ibang probinsiya. Sa pangunguna ng CIDG, naaresto si Loida Gonzales Mendoza sa kaniyang tahanan sa Rizal Street, Barangay Poblacion East, Umingan nang isilbi ang […]

Amianan Balita Ngayon