Category: Police Patrol

Grade 10 student, nang-holdap at nanghipo

Huli sa pangho-holdap at paghipo ang isang Grade 10 student bandang 11am ng August 20 sa Middle Quezon Hill, Baguio City. Kinilala ang suspek na si Froilan Froilan Sola Miranda Jr., 18 anyos, Grade 10 student at residente ng Lamug Street, Middle Quezon Hill, Baguio City.

Isa pang lalaki, patay sa pananaksak sa Baguio

Patay sa saksak ang isang lalaki bandang 10:50pm ng August 22. Natagpuan itong nakahandusay sa gilid ng kalsada sa Sariling Sikap, Purok 21, San Carlos Heights, Irisan Brgy., Baguio City. Kinilala ng biktima na si Harold Gideon Madarang Chomacog, 47 anyos, land surveyor at residente ng Purok 1, Victoria Village Brgy., ng nasabing lungsod.

Guro, 2 pa timbog sa droga; P.5M shabu nakumpiska

Isang 30-anyos na English teacher at dalawa pa nitong kasama ang dinakip ng pinagsanib na pwersa ng Baguio City Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera (PDEA-CAR) at nagbunsod sa pagkumpiska sa 105gramo of shabu na nagkakahalaga ng tinatayang P500,000 sa isang operasyon noong Agosto 18, 2017. Sa ulat ni PDEA-CAR information officer Joseph […]

Higit P150,000 tinangay mula sa store sa Benguet

Pinasok ng di pa nakikilalang kawatan ang isang store sa pagitan ng 6:10pm ng Agosto 19 at 9am ng Agosto 21 sa Central Buyagan, La Trinidad, Benguet. Ayon sa imbestigasyon, magbubukas ng establisimyentong Storage Surplus ang sales lady na si Raquel Martin Walas bandang 9am ng Agosto 21 nang makita niya na ang mga steel […]

Isa patay sa salpukan ng 2 scooter sa Kalinga

Namatay habang nilulunasan sa ospital ang isang 35-anyos na lalaki matapos na bumangga ang minamaneho nitong scooter sa kasalubong na isa pang scooter dakong 6:20 ng gabi noong Agosto 20, 2017 sa provincial road sa Laya East, Tabuk City, Kalinga. Ayon sa ulat ng Tabuk city police, tinatahak ng dalawang sasakyan ang naturang provincial road […]

5 mangingisda, huli sa illegal fishing

Nadakip ang limang kalalakihan dahil sa ilegal na pangingisda bandang 11:30am ng August 15 sa Barangay Bani, Rosario, La Union. Ang lima ay hinuli ng pinagsanib na puwersa ng Rosario MPS at Sto. Tomas Police Station ng La Union kabilang ang mga miyembro ng Bantay Dagat ng Barangay Rabon, Bani, Damortis sa pangunguna ni Barangay […]

Nanay, timbog sa buy-bust sa Pangasinan

Arestado ang isang nanay sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga operatiba ng Calasiao police katuwang ang PDEA RO1 bandang 5:45pm ng August 14 sa Sitio Paronking, Barangay San Miguel, Calasiao, Pangasinan.

Serial rapist at gunrunner, huli sa Abra

Baguio City – Huli ang diumano’y serial rapist at gunrunner na matagal nang nagtatago sa mga otoridad sa bayan ng Villaviciosa, Abra noong Agosto 15.

Binata, nabaril ang sarili

Aksidenteng naputukan ng isang binata ang sarili nito sa natagpuang baril bandang 3:40pm ng August 7 sa Liteng Street, Pacdal, Baguio City.

Amianan Balita Ngayon