Christmas in Baguio 2018, pinaghahandaan na

Bumuo si Mayor Mauricio Domogan ng executive committee upang maghanda ng mga aktibidad sa ilalim ng
taunang pamaskong programa ng lungsod na “Christmas in Baguio”.
Sa Administrative Order No. 148-2018, itinalaga ng mayor si Rep. Mark Go bilang honorary chair, ang mayor bilang chair, Vice Mayor Edison Bilog bilang vice chair at Councilor Elmer Datuin at City Administrator Carlos Canilao bilang action officers ng komite kasama sina City Treasurer Alex Cabarrubias, City Engineer Edgar Victorio Olpindo, City Building Official Nazita Banez, City Environment and Parks Management Officer-in-Charge Ruben Cervantes,
City Budget Officer Leticia Clemente at City Accountant Antonio Tabin bilang mga miyembro.
Ang komite ang mangangasiwa sa implementasyon ng mga aktibidad, hahanap ng mga paraan at daan upang
suportahan ang mga aktibidad, isama ang mga tauhan at maghanda ng mga patakaran, patnubay at panukala upang
masiguro ang tagumpay ng pagdiriwang.
Binigyang-diin ng mayor na gaya ng mga nakaraang taon, ang Christmas in Baguio 2018 ay isang pagtutulungan sa pagitan ng gobyerno at mga pribadong sektor.
“This is geared towards renewing the spirit of sharing, unity, love and peace as we give this offering to thank both our residents and tourists who come to our city every year,” ani mayor. Mula nang simulan ito, ang kalendaryo ng kapaskuhan ay humatak ng maraming kaganapan kung kaya’t naging crowd-drawing at umaasa ang mayor na ang pagdiriwang ngayong taon ay magiging mas makulay at makabuluhan.
Bilang isang patakaran, mayroong mga kaganapan na pinondohan ng pamahalaang lungsod samantalang may iba pa na binibigyan ng mga subsidies. “Organizers of events that are fully funded by the city government are not allowed to solicit funds or resources from private individuals and/or companies unless authorized by the City Mayor while organizers of events that receive subsidies from the City Government are allowed to solicit support from private individuals and groups upon the written authority of the City Mayor, provided further that they render a full accounting of the generated resources for the transparency and accountability purposes,” paliwanag ng mayor. A.P.
REFUERZO / ABN

Amianan Balita Ngayon