City assessor ipinaliwanag ang pagtaas sa real property tax charge

LUNGSOD NG BAGUIO – Tumaas ang real property tax assessment sa Baguio matapos ang implementasyon ng revised schedule para sa market values on land beginning 2020.
Ipinaliwanag ni City Assessor Ma. Almaya Addawe na ang pagtaas sa real property tax assessment ay depende sa improvements and location ng lupa.
Sinabi ni Almaya na habang marami ang humihiling na iantala ang implementasyon ng bagong rate sa real property tax, sumunod ang pamahalaang lungsod sa mga probisyon ng local government code at sumunod sa mga alituntunin at regulasyon ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) para sa regular updating ng schedule ng market values tuwing tatlong taon.
Bilang lonsiderasyon sa epekto sa ekonomiya ng pandemya sa coronavirus disease 2019 (2019-19), sinabi ni Almaya na kumukolekta lamang ang lungsod ng 70 porsiyento ng assess values sa real property noong nakaraang taon habang ang 30 porsiyentong balanse ay sisingilin nagyong taon na magbibigay-daan para sa lubos na implementasyon ng nasabing hakbang.
“Marami ang nagcocomplain na bakit ako lang ang mataas ang assessment, bakit hindi yung kapit-bahay ko? Please understand that assessment depends on the location of the property, improvements and developments within the area,” paliwanag ni Almaya.
Habang walang mga multa para sa hindi pagbabayad ng real property tax, sinabi ni Almaya na ang back taxes ay magiging aplikable sa hinaharap.
Ang updated schedule ng market values para sa real property ay ibinase sa consolidated prevailing price na sinaliksik mula sa mga brokers, mortgage information a appraisers.
Ang halaga ng lupa ay mag-iiba rin kung ang isang lugar ay nasa isang alley, street, main road o subdivision gayundin sa zoning ng lupa kung ito ay para sa commercial, industrial, residential at iba pang layunin.
“Assessment level for residential which used to be at 12 percent actually decreased to only 2 percent,” ani Almaya.
Sa kaso ng Session Road, ang schedule of market value para sa lupa ay dating PhP5,750 per sqm based sa 1990 ordinance subalit ito ay tumaas na sa PhO100,000 per sqm na mas mababa pa rin kaysa selling price na idinedeklara sa merkado.
Ayon kay Almaya, ang lugar ng paaralan malapit sa Tuba, Benguet boundary ay may pinakamababang pagtaas sa assessmeny mula PhP70 per sqm sa PhP500 per sqm.
Maliban sa pagtaas ng land tax, ang assessment rate para sa buildings at machineries ay nananatiling pareho gamit ang 1996 schedule ng market values ayon kay Almaya.
“We saw that our schedule of market values for buildings and machineries are still relevant that is why there was no increase in the rate.” ani Almaya said.
(JPS-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon