COMELEC NAG -ISYU NG SHOW CAUSE ORDER SA 245 KANDIDATO NG BSKE SA PANGASINAN

LINGAYEN, Pangasinan

Nag-isyu ang Commission on Elections (Comelec) ng kabuuang 245 show cause orders sa mga
kandidato ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa probinsiya ng Pangasinan sa diumano’y premature campaigning at vote buying. Sinabi ni Atty. Marino Salas, Comelec Pangasinan provincial election supervisor, na isang mataas na porsiyento ng mga kandidato ang
naisyuhan ng show cause order ang tumugon na sa loob ng tatlong-araw ng panahong ibinigays a kanila.

“Most of the concerned candidates were under SK and their violation was alleged premature campaigning while the rest were due to vote buying allegations,” aniya sa isang panayam noong Martes. Sinabi ni Salas na 230 sa mga paglabag ay diumano’y maagang pangangampanya habang ang natitirang 15 ay diumano’y vote buying. Wala pa namng kandidato ang nadidisualify subalit sinabi ni Salas na ang Task Force AntiEpal ng ahensiya ay nagpapatuloy sa pag-aaral sa mga tugon ng mga kandidato. “The Commission targets to come up with the decision before the Election Day on Oct. 30 this year,” ani Salas, na sinabing kahit Manalo ang mga kandidato at naiproklama,
madidisqualify pa rin sila sa oras na mapatunayang nagkasala sila sa paglabag ng mga election rule.

Inulit ni Salas na ang premature campaigning at vote buying ay basehan para sa pagdisqualify ng isang kandidato mula sa halalan at paghawak ng posisyon sa gobyerno. Samantala, ang interagency Committee sa Kontra Bigay (CKB), isang komite na nilikha sa pamamagitan ng Comelec Resolution No. 10946 na tatanggap ng mga ulat sa vote buying at voteselling, ang inilunsad noong Martes.

Ang mga miyembro ng CKB ay kasama ang Department of Justice, Department of the Interior and Local Government, Department of Education, Department of Information and Communications Technology, Cybercrime Investigation and Coordinating Center, Philippine Information Agency, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Bangko Sentral ng Pilipinas, Anti-Money Laundering Council, Public Attorney’s Office, Integrated
Bar of the Philippines, Philippine Association of Law Schools at mga Comelecaccredited citizens’ arms. Hinikayat ni Salas ang publiko na ireport sa Comelec o sa police ang anumang uri ng vote buying o vote selling.

Sinabi niya na hindi lamang sakop ng vote buying ang pagbibigay ng pera ngunit pati ang pamamahagi ng anuman na may halaga gaya ng mga kalakal o pangako na magbigay ng mga coupon na maaaring ipagpalit ng botante para sa tulong o anumang kalakal. Gayunman, ipinaalala ni Salas sa mga magrereklamo na magpakita ng ebidensiya sa kanilang mga paratang. Sa isang hiwalay na panayam ay sinabi ni Ilocos Police Regional Office (PRO) director, Brig. Gen. John Chua, na nagtalaga sila ng dalawang personnel sa bawat istasyon sa rehion upang imonitor at
tugunan ang mga alegasyon ng online vote buying “We are living in a virtual world where vote buying transactions could be done online,” aniya.

Hinimok ni Chua ang mga hepe ng police na magsagawa n information drive laban sa cybercrimes sa kanilang mga lugar. Ang BSKE campaign period ay magsisimula sa Oktubre 19 at magtatapos sa
Oktubre 28, dalawang araw bago ang Oktubre 30 na halalan. Ang Pangasinan ay mayroong 2.1 milyon na rehistradong regular na botante at 788,900 Sk voters. Mayroong 57,746 kandidato ang mula sa 1,364 na barangay ng probinsiya.

(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon