CPA, PINIPILIT ANG ALLEGASYONG HARASSMENT SA KORTE

Ang Cordillera People’s Alliance o CPA ay naghain ng petisyon sa Court of Appeals o CA noong nakaraang taon para maglabas ito ng Writ of Amparo base sa di umano’y pang-haharass at surveillance ng sundalo, pulis at iba pang ahensya sa ilalim ng security sector ng ating gobyerno. Ibinasura ito ng CA noong October 2022 sa kawalan ng basehan ng naturang allegasyon.

Naghain ng motion of reconsideration ang CPA na muling ibinasura ng CA nung April 2023 dahil sa kawalang merito ng kanilang allegasyon. Nito lamang Lunes, June 19, umapela ang CPA sa Korte Suprema tungkol sa kanilang reklamo at hiling na maglabas ang Korte ng Writ of Amparo. Sa desisyong inilabas ng CA, malinaw na walang sapat na ebidensya ang CPA upang patunayan ang sinasabing harassment sa kanilang mga miyembro.

Ayon sa CA, ang mga allegasyon ng CPA ay nakabase sa mga Facebook posts na nailathala dalawang taon na ang nakalipas at walang malinaw na pagbabanta sa buhay ng sinuman sa kanilang miyembro. Ni hindi nagawang pangalanan ng CPA ang taong naglathala ng mga posts na ito sa Facebook.

Malinaw ang desisyon ng CA at kahit pa iapila ng CPA ang malisyosyong akusayon nila sa Korte Suprema, hindi mababali ang katotohanan na walang matibay na batayan ang kanilang sinasabing harassment. Maging ang mismong pag-apela nila ay tanda na malaya silang makapagpahayag ng kanilang hinaing, taliwas sa kanilang sinasabing harassment.

Malinaw dito ang matagal na nilang modus na bilugin ang ulo ng mga tao para mapaniwala sa kanilang huwad na imahe na sila ang tagapagtanggol ng karapatang pantao pero ang totoo ay nag-iimbento lang ng kwento ng pang-aabuso. Sana ay huwag tayong mabulag sa kasinungalingan ng CPP-NDF-NPA kundi ay manindigan sa katotohanan.

James M. Biag President Binnadang ya Layad nan Igorot Para Isnan Ornus ya Kappia nan Mountain Province ya Intero a Kordilyera (BLOMP- Balik-Loob Organization of Mountain Province)

Amianan Balita Ngayon