DA-CAR naglaan ng P35.8M 2021 pondo para sa holistic approach kontra ASF

LUNGSOD NG BAGUIO – Naglaan ang Department of Agriculture Cordillera Regional Field Office (DACAR) ng PhP35 milyon pondo para sa holistic approach upang tapusin ang African Swine Flu (ASF) at nanawagan ng suporta ng publiko sa kampanya. Pinatunayan ni DA-CAR Regonal Executive Director Cameron Odsey, sa isang Kapihan media forum dito na ang ASF ay may malaking epekto sa suplay ng buhay na baboy at karne nito.
Tinataya ng DA na ang ASF at nakaapekto sa 30 porsiyento ng industriya ng pagbababoy sa bansa.
Ang kakulangan sa suplay at pagtaas ng presyo ng baboy ay isang katotohanan sa bansa hangga’t hindi natin naibabalik ang suplay sa normal na antas nito, ayon kay Odsey habang umapila siya sa publiko ng unawain ang kasalukuyang presyo ng karne ng baboy.
Sinabi niya na pinapaigting ng departamento sa agrikultura ang trabaho nito laban sa ASF at sa repopulation ng mga baboy.
Ibinahagi ni Odsey na ang CAR lalo na sa BLISTT (Baguio City and the Benguet towns of La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba and Tublay) area, ay higit na dumedepende sa importasyon ng baboy dahil ang rehiyon ay 26% lamang na sapat kung suplay sa baboy ang pag-uusapan at 60% sapat sa baka.
Para sa epekto ng ASF sa rehiyon, ipinakita ng datos ng DA-CAR na 22,197 baboy ay namatay o pinatay (culled) dahil sa ASF na nakaapekto sa 1,682 magsasaka. Upang tulungan ang mga magsasakang ito na makaagapay sa kanilang pagkalugi ay nagbigay ang DA-CAR ng PhP20.2 milyon indemnification fund noong 2020 para sa 4,113 pinatay na baboy ng 626 magsasaka mula sa iba’t-ibang probinsiya ng Cordillera.
Ipinagpapatuloy din ng DA-CAR na magsagawa ng dayalogo sa iba’t-ibang stakeholders kung paano tugunan ang pagtaas ng mga presyo sa baboy at mga karne ito. Pinapanatili rin nito ang koordinasyon sa local government units at Police Regional Office para palakasin ang animal quarantine checkpoints.
Ipinahayag din ni Odsey na nakatutok ang DA sa isang holistic approach sa programang “Babay ASF” nito na napaglaanan ng PhP35.8 milyon pondo ngayong taon kasama ang budget para sa pagbili ng karagdagang testing kits, biosecurity paraphernalia at IEC materials na ibibigay at gagamitin sa ASF positive areas.
Para sa repopulation ng industriya sa pagbababoy, ibinahagi ni Odsey na inisyal na maglalaan ang DA ng PhP500 milyon para ditto. Lahat ng provincial agriculture office sa rehiyon ay nakapagsumite na ng kanilang repopulation plans, aniya.
(CCD-PIA CAR/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon