DA-CAR tiniyak ang sapat na suplay ng highland vegetables

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang mga magsasaka sa Cordillera ay umaani ng tone-toneladang mga gulay na sapat para sa pangangailangan ng merkado, ito ay sinabi ng Department of Agriculture sa Cordillera Administrative Region (DA-CAR) noong Huwebes.
“Ang kabuuang dami na inilalako sa lahat ng center ay mataas,” pahayag ni Dr. Cameron Odsey, regional director ng DA-CAR.
Idinagdag niya na ang produksiyon sa paglalako ay narating ang isang mataas na 2,000 tonelada o 2 milyon kilos ng sari-saring highland vegetables bawat araw.
Ang mga gulay galing sa Cordillera ay karamihang dinadala sa National Capital Region (NCR) at nakakarating hanggang Mindanao sa Timog at Aparri, Cagayan sa Hilaga.
Sinabi ni Odsey na ang kasalukuyang palagiang pag ulan sa hapon at magandang panahon na walang malakas na bagyo ay magandang oportunidad para sa mga magsasaka na makaani ng maganda.
“Since April also in May, in the past days and until yesterday, the average daily tonnage traded is 2,000 tons although there were days when it went down to 1,900,” aniya.
Sa mga buwan kung saan mababa ang produksiyon ay sinabi ng director na ang pinakamababang kabuuang araw-arawna nailalako ay 1,000 metric tons bawat araw sa Benguet Agri-Pinoy Trading Center (BAPTC) na pinamamahalaan ngBenguet StateUniversity (BSU), at sa Trinidad Vegetable Trading Post na pinamamahalaan ng munisipal na gobyerno, gayundin ang ibang pribadong trading centers sa La Trinidad, Benguet.
“This is not the situation now. Yesterday we traded 2,000 metric tons. As far as the highland vegetables are concerned, we have a good volume of traded vegetables or transported out of the region and brought to the different markets,” ani Odsey.
Sinabi niya na wala silang nakikitang dahilan para sa kakulangan ng suplay sa Metro Manila dahil ang kantidad ng ilalako ay mataas. Gayunman ay sinabi ng director na sa pagluluwag ng restriksiyon sa National Capital Region (NCR) Plus bubble aymaaaring may ilang mga restaurants ang nagbukas o bumalik sa operasyon at bumubili ng kanilang mga suplay.
Sa isang panayam kay Benguet Governor Melchor Diclas noonbgMiyerkoles ay sinabi niya na walang kakulangan sa mga gulay na inaani ng probinsiya.
Ang Benguet ang pinanggagalingan ng halos 85 porsiyento ng suplay ng highland vegetables sa Cordillera.
Tiniyak ni Diclas na isa ring medical doctor na patuloy na nagtatanim at umaani ang mga magsasaka ng kanilang produkto upang magkaroon ang mga Pilpino ng sapat na gulay lalo na sa panahong ito kung saan mahalaga na palakasin ang immune system sa pagkain ng masusustansiyang pagkain.
(PNA-LA/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon