Domogan nanawagan sa publiko na ipabakuna ang mga anak

LUNGSOD NG BAGUIO – Nanawagan si Mayor Mauricio Domogan sa publiko na samantalahin ang kasalukuyang maramihang pagbabakuna laban sa nakakahawang sakit sa pagtaas ng mga kaso ng tigdas habang nananatiling mababa ang bilang ng mga tumutugon sa vaccination campaign.

Sinabi ng Epidiomology and Surveilance Unit (CESU) ng City Health Services Office na nasa ilalim ni City Health Officer Dr. Rowena Galpo na tumaas ang mga kaso ng tigdas sa 170 mula Enero 1 hanggang Marso 9 at walang namatay.

Sinabi ni Dr. Donnabel Tubera, CESU head na ang bilang ay nagpapakita ng 4,150 porsiyento ng pagtaas mula sa apat na kaso sa kaparehong peryodo noong nakaraang taon.

Isang ulat sa kalagayn ng kasalukuyang “Oplan Culex” mass immunization ay nakita ang mababang turnout ng kampanya sa pagbabakuna na may 9,443 bata lamang ang nabakunahan kontra tigdas mula Pebrero 18 hanaggang Marso 12 sa target population na 34,450 para sa isang 27.41 porsiyentong accomplishment.

Para sa Japanese encephalaitis ay may kabuuang 6,267 ang nagpabakuna para sa 18.89 percent rating habang 5,934 ang sumailalim sa oral polio vaccine (OPV) at 3,834 ang tumanaggap ng Vitaim A supplementation.

Ang bilang na ito ay nagmula sa ibat-ibang vaccination points partikular sa district health centers,SLU Hospital of the Sacred Heart Out-Patient Department, Baguio General Hospital Under – Five Clinic, private clinics at sa Dept. of Health-Cordillera.

Sinabi ni Galpo na bilang sa nalalabing dalawang linggo ng kampanya dahil paiigtingin ang kampanya sa pagtatalaga ng medical teams para magsagawa ng bahay-bahay na pagbabakuna sa tulong ng mga personnel mula DOH-CAR at medical schools.

“Please avail of the mass immunization campaign because it is the only way we can protect our children from the serious effects of measles and other infectious diseases at no cost,” ani Domogan noong Miyerkoles.

Magtatagal hanggang Marso 31 ang kampanya ng pagbabakuna kontra tigdas at Vitamin A na ibibigay sa mga batang edad anim hanggang 59 buwan o limang taon pababa at pre-school na mga bata na higit limang taon subalit wala pa sa grade school.

Ang oral polio vaccine ay maaaring ibigay sa mga batang sero hanggang 59 buwan habang ang Japanese encephalitis immunization ay para mga batang siyam hanggang 59 buwan.

PIO-APR/ABN

Amianan Balita Ngayon