Drayber ng heavy equipment binaril sa Abra

LUNGSOD NG BAGUIO – Isang drayber ng pay loader ang binaril ng isang riding in tandem Sabado ng hapon (Enero 5) sa Barangay Mudeng, La Paz, Abra.
Pauwi na si Rommel Britos, 41, tubong Barangay Dugong, bayan ng Bucay sakay ng isang motorsiklo nang sumulpot mula sa likod niya ang dalawang tao sakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril siya ng malapitan ng nasa tatlong beses.
Walang anumang linisan ng mga suspek ang lugar ng krimen matapos bumagsak sa lupa ang drayber ng pay loader.
Nakunan ng isang CCTV camera ang insidente na nakalagay sa lugar.
Isinugod ang biktima sa ospital ng mga personnel ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC)-La Paz subalit namatay ito bago dumating sa ospital.
Gaya ng mga nakaraang mga pagpatay, nangangapa ang Abra police sa pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa likod ng pagpatay.
(AAD/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon