DSWD ilalabas ang paunang listahan ng mahihirap na sambahayan ngayong Oktubre

SIUDAD NG VIGAN, Ilocos Sur – Uumpisahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Ilocos ang pagpost ng insiyal na listahan ng mahihirap ng sambahayan o ang tinatawag na National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTSPR) sa bawat barangay sa rehiyon ngayong Oktubre.
Sinabi ni Marcelo Nicomedes Castillo, regional director ng DSWD sa Ilocos na ang pag-post sa nasabing listahan ay bahagi ng Listahanan Validation and Finalization hase upang marepaso ng publiko ang listahan ang umapela para sa isang assessment kung hindi sila nabisita sa panahon ng regular assessment o umapela ng re-assessment kung naniniwala sila na mahirap ang kanilang sambahayan ngunit wala sa inisyal na listahan ng mahihirap na sambahayan.
Ang inisyal na listahan ng mahihirap na sambahayan ay maipapaskil na naglalaman ng sumusunod na impormasyon: kumpletong pangalan, kasarian, petsa ng kapanganakan ng ulo ng sambahayan; ang bilang ng mga miyembro ng sambahayan; at address ng kalye.
Dahil dito, magrere-hire ang National HouseholdTargeting Section ng DSWD sa Ilocos ng Area Supervisors (AS) para sa bawat lungsod o munisipalidad sa rehiyon na aatasang tumanggap ng mga tanong at reklamo hinggil sa nai-post na inisyal na listahan ng mahihirap na sambahayan.
Pagsasama-samahin ng AS ang mga reklamo para mainderso sa Barangay Verification Team (BVT) at sa Local Verification Committee (LVC). Ang BVT na binubuo ng punong barangay, unang barangay councilor, councilor ng in charge sa social services, at dalawang kinatawan mula sa civil society o people’s organizations o grupo ng mananampalataya, ay rerepasuhin ang mga apila o reklamo mula sa komunidad.
Sa kabilang banda, ang LVC ay binubuo ng Local Chief Executive o kaniyang duly authorized representative, ang Local Social Welfare and Development Officer, ang Local Planning and Development Coordinator, at kahit dalawang kinatawan mula sa non-government organizations, ay susubuking resolbahin ang lahat ng reklamo at apila at irerekomenda ang mga sambahayan para sa re-assessment kung kinakailangan.
“In consideration to the safety protocols to reduce the spread of the coronavirus disease 2019 (COVID-19) and to ensure that all poor households are given the opportunity to file a grievance, the household head or the qualified household representative may also file a grievance online through listahanan.dswd.gov.ph,” ani Castillo.
 

Amianan Balita Ngayon