“E-SABONG OPERATORS BINABALAHURA SI PBBM”

Sa kabila ng mahigpit na tagubilin ni Pangulong Bongbong Marcos kontra e-sabong, nananatiling
sinasaway ito ng mga iligal na operators. Sino ang mga nasa likod ng operasyon ng Sabong World
Wide (SWW), Global Tambayan Live (GTL) at Solid 420, na animo’y mas makapangyarihan pa sa pinunong halal ng bansa? Ang SSW ay ang bagong WPC, Go Perya at Asian Cockfighting, ayon pa sa pagmamayabang nito sa sabongworldwide.ph. Mga imbestigador ng PAGCOR at mga law
enforcement agencies na lang din kaya ang hindi pa nakakahagip sa GTL at Solid 420 sa web patrolling at surveillance operations?

Buong tapang pang inuumang ng SSW, GTL at Solid 420 na may basbas sa kanila ang Philippine
Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR), upang maka-engganyo sa mga mananaya. Kung totoong walang basbas ang PAGCOR, nararapat na gumawa na ng hakbang ang ahensya upang sawatain ang mga iligal na operasyon ng esabong sa buong bansa tulad ng pag- take down sa mga
ginagamit na websites at raid sa mga iligal cockpit studios na nakakubli sa loob ng mga cock farms.

Karamihang namamataan ang mga iligal na e-sabong ng SSW, GTL at Solid 420 sa ibat’- ibang pook sa Batangas, Bataan, Cavite, Pampanga at iba’t-iba pang probinsya sa Luzon. Lubos ang hinagpis ng mga negosyanteng dumaan sa proseso ng PAGCOR at naglagak ng hindi birong halaga,
sa katunayan, aabot sa P100M bilang lisensya, bonds at iba pa na naayon sa itinatalaga ng batas.
Walong korporasyon lamang ang sadyang pinayagan ng PAGCOR na magpa-esabong sa bansa bago pa man itong ipahinto noong huling mga yugto ng administrasyong Duterte. Malinaw mula sa
PAGCOR na wala sa listahan ang ang SSW, GTL at Solid 420. Ngunit bakit sila nagpapatuloy sa kanilang operasyon?

Amianan Balita Ngayon