Evacuees

Naitala na 56 pamilya ang inilikas mula sa barangay Lower Rock Quarry, City Camp Central, City Camp Proper at Middle Rock Quarry sa Lungsod ng Baguio na pinangambahan ng mga residente ang binabaha sa lake lagoon kung magpapatuloy ang pag-ulan nitong super bagyong Ompong na nag-landfall noong Sabado (September 15, 2018). Sa pangunguna ni City Social Welfare and Development Office ni Betty F. Fangasan ay siniguro nito ang kaligtasan ng mga inilikas at naging maayos ang tinuluyan nilang evacuation center sa multi-storey disaster risk reduction center sa Motor Pool, City Camp at may sapat na supply ng pagkain at maiinom ang inilaan sa mga evacuees.

Amianan Balita Ngayon