Ex-Army naligo sa sariling dugo; Baril, bala at patalim nasamsam sa suspek

LUNGSOD NG DAGUPAN – Patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang magasawang tinuturing na suspek sa pagpatay sa isang retiradong miyembro ng Philippine Army (PA) na natagpuan sa taniman ng mais na wala ng buhay at naliligo sa sariling dugo kamakalawa.

Kinilala ng Dagupan City Police Station ang biktima na si Alberto Lumandas, 55, may asawa at isang retired Philippine Army na residente ng Brgy. Angio, San Fabian.

Habang tinuturing namang suspek ang mag-asawang sina Joel Zamora alias “Irog”, 37, isang magsasaka at Margie Zamora na kapwa residente sa nabangit na lugar.

Ayon sa awtoridad, bago nakitang patay ang biktima ay nagtungo di umano ang biktima sa tahanan ng mag-asawa kung saan di-umano ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo.

Nakuha sa tahanan ng mag-asawa ang ilang mga patalim, baril at bala na hinihinalang ginamit sa krimen.

Francis Soriano/ABN

Amianan Balita Ngayon