Farmer timbog sa loose firearms

LA TRINIDAD, Benguet – Isang magsasaka ang kalaboso matapos mahulihan ng mga loose firearms sa isinagawang search warrant operation sa bahay nito ng Apayao Provincial Police Office. Kinilala ni Apayao PPO Provincial Director Col.Peter Tagtag, ang nadakip na si Marcos Bergonia Ragutero, 47, ng Malaguyan, Flora, Apayao.
Ayon kay Tagtag, sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte noong Mayo 3, ang mga operatiba ay nakakumiska ng isang 12 GA Homemade Shotgun; isang 12GA shotgun branded with New Cobra; isang Converted .22 UZI Type; isang converted .22 Rifle; isang 12GA shotgun magazine; dalawang Cal .22 magazine; isang Cal .45 magazine; 12 Cal .45 live Ammos; 14 12 GA Shotgun live
ammos; at 37 Cal .22 live ammos mula sa bahay nito sa Malayugan, Flora, Apayao.
Hindi maipaliwanag ng suspek kaugnay sa pagiingat nito ng mga baril na ngayon ay sasampahan ng kasong paglabag Comprehensive Law on firearms and ammunitions Regulation Act (RA 10591).
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon