RPOC1 suportado ang Brgy Development Program

LUNGSOD NG SAN FERANDO, La Union – Ang Regional Peace and Order Council sa Ilocos Region (RPOC1) sa pangunguna ni La Union Governor Francisco Emmanuel R. Ortega III ay nangako ng suporta sa Barangay Development Program (BDP) sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa kamakailang episode ng Kapihan sa Ilocos ng Philippine Information Agency, sinabi ni Ortega na ang koseho, bilang isang katawan, ay nasa likod ng BDP sa pamamagitan ng paglabas ng isang manifesto ng suporta.
“Napakahalaga po na suportahan ang BDP kasi naniniwala po tayo na lahat doon nagsisimula sa barangay. Kung may development sa barangay, may development sa towns, cities, provinces, at sa buong bansa,” ani Ortega.
Sa manifesto ay sinabi niya na ang programa ay nakalinya sa Executive Order No. 70 o ang whole-of-nation na tumutugon sa mga problema ng bansa sa insurhensiya. Sinabi niya na kinikilala ng
konseho na ang mga insurhensiya, panloob na mga kaguluhan at tensiyon, at armadong labanan at mga banta ay hindi lamang problema ng militar na seguridad kundi nauugnay din sa mas malawak na panlipunan, pangekonomiya at pangkasaysayan na mga problema.
“We firmly believe that in order to address the root cause of insurgency and other armed conflicts, it is requisite to prioritize and harmonize the delivery of basic services and social delivery packages by the government and at the same time facilitate societal inclusivity and ensure active participation of the different sector of the society in the pursuit of sustainable peace in the community,” aniya.
Isa pa, pinaninindigan ng RPOC1 ang tayo nito na matutulungan ng BDP na mapagaan ang mga buhay ng mga tao, ma kabangon sa mga epekto ng karahasan, at padiglahin ang pag-unlad ng
ekonomiya lalo na sa mga liblib na lugar kung saan karaniwang nananatili ang mga rebelde.
Sa parehong episode ng kapihan ay sinabi ni National Security Adviser and NTF-ELCAC Vice Chairperson Hermogenes C. Esperon Jr. na sa ilalim ng BDP, ang mga barangay na nalinis na sa mga banta ng insurhensiya mula 2016 hanggang 2019 ay makatatanggap bawat isa ng PhP20 milyon.
“Sa isang Cabinet Meeting, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte and BDP na isang konsepto na nagbibigay sa bawat barangay na natanggalan natin ng impluwensiya ng CPPNPA- NDF ng pondo na aabot sa PhP 20 milyon,” pahayag ni Esperon, na siyang Cabinet Officer Responsible for Development and Security for Region 1.
Sa Rehiyon 1 ay dalawang barangay sa Ilocos Sur, ang Baluarte sa bayan ng Salcedo at Nagbettedan sa Santo Domingo ay kabilang sa 822 barangay sa buong bansa na nalinis na sa impluwensiya ng komunista at nakasama sa unang grupo ng mga tatanggap sa BDP.
Sa pangkalahatan, ang BDP ay may kabuuang appropriation na PhP16.44 bilyon mula sa 2021 national budget.
(JPD-PIA LU/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon