Jeepito aarangkada sa pagbubukas ng turismo sa Lungsod ng Baguio

BAGUIO CITY – Handang-handa na si Jeepito, ang tinaguriang “World Smallest Philippine Jeep” para tumulong sa jumpstart ng turismo sa Summer Capital na magsisimula sa Setyembre 22.
Ang tsuper ni Jeepito na si Ronald “Tonton” Tan o “Papa Tsuper,” ay kilalang Baguio boy, na dating television host at naging matagumpay sa kanyang realty business.
Si Jeepito ay may sukat na 92 inches in length; 42 inches in width at taas na 55 inches. Umaandar ito sa pamamagitan ng 3-cylinder Susuki multicab engine at customized using scrap materials.
Ayon kay Tonton, lubhang naapektuhan ang ekonomiya ng turismo sa lungsod dahil sa pandemya,kaya’t naisip niya na muling iarangkada si Jeepito sa pangunahing tourist spot upang makapag bigay saya sa mga turista.
“Bilang suporta sa city government sa itinakdang pagbubukas ng ating turismo, ay matutunghayan si Jeepito sa ating mga parke na pinupuntahan ng mga turista,upang kahit paano ay makapag-bigay saya tayo sa kanilang pamamasyal sa lungsod,” pahayag ni Tonton.
Sa mga turistang makakapanayam ni Tonton ay may inihanda siyang trivia question about Baguio City at kung tama ang sagot ay may gift away na ibibigay at makakasakay kay Jeepito para sa picture taking na walang bayad.
Ayon kay Tonton, may mga kasama siya para sa video coverage ng bawat turista na maibibilang sa mga koleksyon ni Jeepito sa You Tube. Si Jeepito ay dinisenyo bilang World’s Smallest Philippine Jeepney, na puwedeng sakyan ng apat na katao, kabilang ang drayber at ngayon ay legal at kinategorya ng Land Transportation Office (LTO)bilang isang jeepney.
Unang natunghayan ng publiko si Jeepito noong Disyembre 25,2015 sa mga parke sa Baguio City. “As owner of Philippine Property Central Realty and Development Inc. I decided to give back to the community and to share my blessings because my company has been blessed and is really earning well. I thought of the idea of making a special jeepney, that’s when the Jeepito came to be” paliwanang ni Tonton.
Zaldy Comanda/ABN
 

OVER THE TOP

Amianan Balita Ngayon