KALABOSO

Kalaboso ang maglive-in partner sa pagbebenta ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng BCPO at PDEA sa may Tam-awan- Longlong Road, Purok 4, Pinsao Proper,Baguio City.
Photo by BCPO/via Zaldy Comanda/ABN
“Live-in partner kalaboso sa drug bust operation.”
BAGUIO CITY – Kalaboso ang maglivein partner matapos mabitag sa isinagawang buybust operation ng mga tauhan ng Baguio City Police Office at PDEA, noong gabi ng Marso 3 sa Tam-awan- Longlong Road, Purok 4, Pinsao Proper, siyudad na ito.
Nabatid kay BCPO Director Allen Rae Co ang nalambat ay nakilalang sina Carl Adam Resurrecion, 20, at Monique Garcia Melchor,19, matapos magbenta sa poseurbuyer ng sachet ng shabu sa halagang P6,120.00.
Ayon kay Co, sa isinagawang pagdakip, dalawa pang sachect ng ng shabu na may timbang na 1.5 grams at may halagang P10, 200.00 ang narekober mula kay Melchor. Napag-alaman na si Resurrecion nasa target list PDEA bilang Street Level Individual.
Narekober din sa kanila ang buy bust money at ang kanilang sasakyan na motorsiklo na ginagamit sa pagbebenta ng droga.
Zaldy Comanda/ABN

OCCULAR

Amianan Balita Ngayon