Kampanya sa turismo ng Baguio iaakma sa New Normal

LUNGSOD NG BAGUIO – Ngayon pa lang ay inilalatag na ng Baguio Tourism Council (BTC) ang mga istratehiya kung paano pababalikin ang sigla ng industriya ng lokal na turismo. Nitong nakaraang Lunes ay inaprubahan ng BTC ang isang resolusyon na nagbibigay detalye sa PhP6 milyon halaga ng mga proyekto sa turismo na sa huli ay isinusulong ang lungsod, hindi lamang bilang isang primerang destinasyon kundi mahalaga ay isang ligtas na lugar.
Ang BTC ay co-chaired ni Mayor Benjamin Magalong at negosyanteng si Gladys Vergara-de Vera. Ang resolusyon ay inindorso sa Tourism Promotions Board (TPB) na
pag-aari ng estado, na nauna nang nagtabi ng pondo para sa kampanya.
Ito ay antisipasyon ng mas maluwag na national measures na inaasahang muling buhayin ang naghihingalong industriya ng turismo, sa ilalim ng mahigpit na mga patakaran humihingi ng paggamit ng face-masks at pagsunod sa physical distancing.
Ang PhP6 milyon ay nahati-hati sa mga sumusunod: rebranding ng Baguio, marketing and promotions, P2.86-million; pagtatayo ng Baguio Creative City website, P1.17-million; pagdaraos ng “Relive Your Baguio Memories Photo Contest”, P105,000; at, paglunsad ng “Baguio Fashion Sense” project, P400,000.
Nauna dito ay inindorso ni Magalong sa TPB ang ground works sa tourism revitalization and readiness, kasama ang mga aktibidad na gagawing ng lungsod at BTC sa natitirang panahon ng 2020.
Binigyan-diin ni Vergara-De Vera na isang memorandum of agreement ang malilikha upang italaga ang mga trabaho at responsibilidad ng mga kinauukulang partido upang maisagawa ang agarang paglabas ng ponding suporta ng TPB at maipatupad ang proyekto sa pinakamadaling panahon.
Ipinapakita ng datos ng turismo na hindi naabot ng lungsod ng Bagauio ang 540,000 domestic tourist arrivals ngayong taon dahil sa pandemya. Ang bilang ay base sa mga bisitang natanggap
ng 299 hotels noong 2019. Matapos ang kanselasyon ng Panagbenga ay bumagsak ang pagdating ng mga turista sa halos 81 porsiyento noong Pebrero.
Ang puwang sa pagdating ng mga turista para sa mga buwan ng Abril at Mayo ay katumbas ng tinatayang PhP1.7 bilyon sa hindi nakamit na kita sa turismo.
AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon