Kaso ng COVID-19 ng Baguio dumarami

LUNGSOD NG BAGUIO – Ilang buwan matapos malampasan ang daluyong ng delta variant, humaharap ngayon ang Lungsod ng Baguio ng pagtaas ng mga kaso ng Coronavirus disease (COVID-19) sa gitna ng banta ng isa pang daluyong dulot ng omicron variant.
Sa isang ulat ni City Health Officer Dr. Rowena Galpo noong Enero 4 sa pagpupulong ng Management Committee (MANCOM) sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong, sinabi niya na ang daily average ng mga kaso ay umakyat mula 0-1 sa week Dec. 19-25 sa 9 ng week Dec. 26-Jan. 1.
“Since Nov. 7 up to the third week of December, there was a decrease in number of active cases but last week, the cases increased from 4 to 63,” aniya. Ang mga resulta sa ibang indicators ay naglagay din sa lungsod sa ilalim ng moderate risk classification.
Sinabi ni Galpo na ang positivity rate ay umakyat mula 0.2 percent sa week Dec. 19-25 sa 2.72 percent sa week Dec. 26- Jan.1.
“Although it is still below the threshold of 5, the fact that it increased is already significant,” aniya.
Ang weekly infection rate, isang bagong panukat na ginagamit ng lungsod base sa modelo ng Singapore, ay 3.19 percent na mas mataas sa threshold na 1 at ibig sabihin ay dumarami ang bilang ng mga kaso.
Ang reproduction number o average number ng mga taong maaaring mahawaan ng isang pasyente ay 4 hanggang noong Disyembre 28.
Ang mga bilang mula sa ibang indicator ay umakyat din hanggang nitong Enero 4 mula sa datos ng Disyembre 28: positivity rate mula 0.5 percent sa 1.14 percent; average daily attack rate (ADAR) mula 0.6 percent sa 1.13 percent; two-week growth rate (TWGR) mula -65 sa +31.
Tumaas bahagya ang hospital critical utilization rate mula 38.57 percent sa 39 percent habang ang isolation unit utilization rate ay malaki ang itinaas mula 1.11 percent sa 11 percent.
Hindi gaya sa ibang lugar, ang testing at contact tracing ay napanatili sa lungsod, ani Galpo.
Sinabi ni City Epidemiologist Dr. Donnabel Panes na ang pagdaluyong ng mga kaso ay inaasahang magpapatuloy sa darating na mga araw na ipinapakita ng mga indicator ang kasalukuyang aktibong hawaan.
Sinabi niya na ang mga dahilan na nakadagdag sa pagtaas ay kasama ang pagtaas ng paggalaw ng mga tao at ang lag time o pagkaantaal sa testing.
Naghanda ang lungsod ng isang contingency plan para sa omicron na may pagbabagong ginawa base sa mga karanasan mula sa pagdaluyong ng delta variant.
“Based on the experience of other countries, omicron is more transmissible thus we expect more cases. The good news is it has less severe symptoms so we see less hospitalization.
However, the tendency is to overwhelm the isolation units since there will be more asymptomatic to mild cases,” ani Galpo.
Pinaalalahanan niya ang publiko na sumunod lagi sa minimum public health standards.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon