Kaso ng Dengue tumataas

LUNGSOD NG BAGUIO – Itinaas ng mga awtoridad sa kalusugan ang alarma ng pagtaas sa mga kaso ng dengue hemorrhagic fever sa rehiyon kabilang ang lungsod ng Baguio.
Pinayuhan ni Mayor Benjamin Magalong at City Health Officer Dr. Rowena Galpo ang mga residente na magbantay laban sa sakit sa pagsunod sa 4S strategy: Search and Destroy Mosquito Breeding Places; Self – Protection Measures (gumamit ng window screens, mosquito nets, magsuot ng protective clothing, gumamit ng insect repellents); Seek Early Consultation; at Say Yes to Fogging in Hotspot Areas Only.
Nakapagtala ang City Epidemiology Surveillance Unit sa ilalim ni Dr. Donnabel Panes ng kabuuang 82 kaso ng dengue na iniulat ng Disease
Reporting Units sa lungsod mula Enero 1 hanggang Marso 31, 2022.
Ito ay 95.23 porsiyentong pagtaas kumpara sa parehong panahon ng 2021. Walang namatay ang naiulat.
Ang clustering ng mga kaso ay sinunod sa mga barangay ng Bakakeng Central at San Luis Village. Ang age range ng mga pasyente ay mula 9 na buwan hanggang 68 na taong gulang. Mahigit kalahati ng mga pasyente ay mga babae at karamihan ay naadmit sa Baguio General Hospital and Medical Center.
Mula Abril 3-16 ay nakapagtala ang CESU ng 15 mga kaso kumpara sa iisang kaso na nailista sa parehong panahon ng nakaraang taon. Sa isang liham na may petsang Abril 8 na inilabas ni Dept. of Health Cordillera (DOH-CAR) Regional Director Rio Magpantay ay inalerto ang pamahalaang lungsod sa tumataas na mga kaso ng dengue. Sinabi niya na nakapagrehistro ang rehiyon ng kabuuang 656 kaso at isang patay hanggang Marso 26.
“The regional data reached the alert threshold and thus intensified implementation of the enhanced 4S against this fatal mosquito-borne disease is urged,” ani Magpantay sa.
“It is vital that our constituents are reminded of our 4’oclock habit (i.e. habitual search and destroy of mosquito breeding sites) and reminding mechanisms should be reinstated like the use of siren, bell, bandillo. Barangay officials are also urged to lead in the dengue prevention and control measures,” dagdag niya.
Pinagalaw ang mga district health center ng lungsod upang magsagawa ng information campaign sa kanilang mga nasasakupang lugar, ayon kay Galpo.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon