Kennon road sarado pa rin sa trapiko

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang buong kahabaan ng Kennon Road ay namamalaging sarado nang walang takda sa mga motorista at pedestrian matapos maglagay ang mga awtoridad ng mga hakbang para mapatatag ang lupa sa lugar, ayon sa isang opisyal noong nakaraang Huwebes.

Sinabi ni Office of Civil Defense regional director at Cordillera Administrative Region Disaster Risk Reduction Management Council (CRDRRMC) chairman Albert Mogol na nananatiling hindi matatag ang lupa sa Barangay Camp 5 dahil sa malawak na pagguho noong Hulyo 26.

Sinabi niya na nagsasagawa pa rin ng “clearing operations” ang mga personnel ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga malalaking bato at bunton ng lupa sa daan.

“There is yet no definite date until when would the road be closed because it is still very dangerous. The soil keeps on falling and the priority is the safety of the people,” ani Mogol matapos ang isang pulong ng 3rd quarter joint Regional Development Council-Peace and Order Council (RDC-RPOC) sa Mansion House.

Subalit sinabi ni Mogol na nagbigay ang CDRRMC ng “window hours” para sa sasakyan ng mga residente at pampublikong sasakyan sa lugar upang payagan silang makadaan – mula alas 6 hanggang alas 9 ng umaga gayundin mula alas 5 ng hapon hanggang alas 7:30 ng gabi.

“We allotted a window for the residents to pass from 6 a.m. to 9 a.m. because the students there study in Baguio aside from the traders who bring their produce to Baguio,” ani Mogol.

Sa labas ng “window hours” ay walang sasakyan o tao na papayagang dumaan, dahil sa mataas na panganib ng bumabagsak na bato at pagguho ng lupa.

“We are discouraging people to pass even while walking because the area is really unstable and after the window time, the heavy equipment will already start working, bringing down rocks and soil,” pahayag ni Mogol.

Sinabi niya na may mahalagang papel ang mga opisyal ng barangay, kasama ang mga personnel ng DPWH at police upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa Kennon Road.

“The barangay officials are there, assisting the residents during the window hours, guarding and assuring that everyone is safe,” aniya.

Idinagdag niya na bukod sa pagguho sa Camp 5 ay mayroon pa ring pangatlong “blasting operation” upang mawasak ang malalaking bato na nakaharang sa pagdaloy ng tubig sa ilog sa Camp 6 malapit sa ulo ng Leon.

“It is now rainy season and we know that we are in a landslide-prone area due to our topography. We encourage everyone to be prepared and ready – not only our homes, our families but in our barangays, let us cooperate and help each other,”ani Mogol.

PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon