Kita ng mga establisimiyento sa Baguio, bumaba

Lungsod ng Baguio – Nakaranas ng pagkalugi ang ilang mga establisimiyento sa lungsod ng baguio mula ng ikansela ang mga pangunahing kaganapan para sa Panagbenga dahil sa patuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Ayon kay Andrew Pinero, spokesperson ng Hotel and Restaurant Association of Baguio, ang mga establisimiyento ay gumagawa ng ibang paraan upang punan ang mga pagkukulang mula sa mga pagkalugi na natamo dahil sa pagkansela.
Sinabi ni Pinero na hiniling ng ilan sa mga ito na ilipat ang mga iskedyul ng kaganapan sa ibang araw upang mabawi ang mga pagkalugi. Ang ilang mga hotel ay may mga promo rate at mga espesyal na alok para sa araw ng mga puso upang hikayatin ang mga turista na mag-book muli ng kanilang mga tutuluyan.
Inanunsyo ng lokal na pamahalaan noong Enero 31 ang pagkansela ng lahat ng mga kaganapan dahil sa dami ng mga taong bibisita sa lungsod para sa susunod na tatlong lingo. Sinundan ito ng pagkansela ng taunang pag-uwi ng alumni ng Philippine Military Academy (PMA) ngayong katapusan ng lingo.
Ang taunang pag-uwi ng PMA ay nagdadala sa mga nagtapos ng institusyong militar ng bansa pati na ang kanilang mga pamilya sa lungsod. Agad na nagpapareserba ang mga ito ng kanilang mga mga matutuluyan pagkatapos ng pag-uwi upang maging handa para sa susunod na taon.
Sa kabila ng pagkansela ng mga kaganapan, sinabi ni Pinero na ang mga lokal na turista ay bumibisita pa rin sa Baguio dahil sa malamig na temperatura.
“Marami pa ring mga bisita na itinuturing magandang bakasyunan ang Baguio at nais pa rin nilang maranasan ang malamig na panahon dito, kahit na ang laging laman ng balita ay yung pagbagsak ng temperatura na mayroon tayo dito mismo” dagdag nito.
Tiniyak niya sa mga turista na ang mga tutuluyan nilang mga etablisyimento sa lungsod ay handa at handa rin na tumugon sa kahit na ano mang kanilang mga kailangan.
 
Angela Joy De Guzman/ABN

Amianan Balita Ngayon