Kung mayroong hustisya lalabas ang katotohanan

Editorial

Oktubre 17, 2018 ay nagsumite si Atty. Edgar Avila na kasalukuyang konsehal ng Lungsod ng Baguio ng Certificate of Candidacy (CoC) para mayor ng Baguio City, kasama ang kaniyang mga teammate na opisyal na kandidato ng Hugpong Ng Pagbabago (HNP) at United Nationalist Alliance (UNA) at ng Timpuyog ti Baguio, isang lokal na koalisyon.

Sinuri ni election officer John Paul Martin ang CoC ni Avila at sinabing isulat ni Avila ang pangalan ng political party na nagisyu ng kaniyang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) kaya inilagay ni Avila ang UNA sa kaniyang mismong sulat kamay katapat ng kaniyang pangalan.

Muling sinuri ni Atty. John Martin ang CoC ni Avila at nang makitang wala namang depekto o anuman ay inutusan niya ang kaniyang staff na tanggapin at i-acknowledge ang pagtanggap sa CoC at ipinadala sa main office ng Comelec.

Kalauna’y isinama ang pangalan ni Avila sa opisyal na listahan ng mga kandidato para sa mayor ng Baguio City at naitalaga sa kaniya ang numero “2” sa opisyal na balota.

Halos anim na buwan na noong Marso 6, 2019, ay inilabas ng Comelec En Banc ang Minute Resolution No. 19-0286 na nagpapawalang-bisa sa Certificate of Candidacy ni Avila at 25 pang
kandidato sa buong bansa.

Natanggap ni Avila ang kopya ng Comelec En Banc Minute Resolution na itinututring na “not filed”ang kaniyang CoC nitong Abril 4 lamang.

Ang nakapagtataka pa noong Marso 6, 2019 lang inadopt ng Comelec ang rekomendasyon ng Law Department na i-apply ang ruling ng Commission En Banc sa Minute Resolution No. 18-
1182 na may petsang Nobyembre 28, 2018, na ang lahat ng Certificate of Candidacy na gamit ang lumang porma na kulang ang Item No. 22 na natanggap mula sa mga field office ng Comelec sa
buong bansa ay inaaring hindi naipila at hindi naaayon sa Comelec Resolution No. 10430 kahit pa ang kanilang mga pangalan ay naibilang na sa Official Ballot para sa 2019 National at Local
Election, hindi sila maaaring iboto, at anumang boto sa kanilang pabor ay ituturing na stray vote.

Ang bahagi ng resolusyon ay mababasa:
x x x
“Considering the foregoing and after due deliberation, the Commission RESOLVED, as it hereby RESOLVES, to adopt the recommendation of the Law Department to apply the ruling of
the Commission En Banc in Minute Resolution No. 18-1182 dated 28 November 2018 which resolved, among others, that all Certificates of Candidacy (CoCs) following the old format which
lacks Item No. 22, as received from COMELEC field offices nationwide, shall be DEEMED NOT FILED, for being not in conformity with COMELEC Resolution No. 10430 and as such,
notwithstanding that their names are already in the Official Ballots for 2019 NLE, they shall not be voted for, and any votes cast in their favor shall be considered stray”.

x x x

Ang nakapagtataka lang, ay itinakda ang panahon ng pagpila ng kandidatura para sa Mayo 13, 2019 mid-term election noong Oktubre 11 hanggang 17, 2018 at mahigit isang buwan matapos
makapagpila na ang mga kandidato inilabas ang Commission En Banc Minute Resolution No. 18- 1182?

Noong una ay kinukuha ng mga certificate of candidacy forms sa mismong Comelec office ngunit dahil sa internet ay maaari nang i-download ang mga form na ito, at ang na-download ni Avila at nang iba pa ay ang lumang porma na hindi naman tinanggal ng Comelec sa kanilang website?

Isa pa ay bakit inabot ng anim na buwan ang resolution at nataon o itinaon pa sa panahon ng kampanya?

Totoong nakaapekto ng malaki ang resolution sa kandidatura ni Avila at maging ng iba pa dahil nabahiran ito ng pang-aabuso sa diskresyon, at dahil walang apila sa ilalim ng mga patakaran ng pamamaraan (rules of procedure) ng Comelec, o alinmang iba pang payak, mabilis at sapat na remedyo sa ordinaryong direksiyon ng batas ay napilitan si Avila na magpila ng madaliang petisyon upang mapawalang-bisa at/o isantabi ang tinututulang resolution.

Nagpila si Avila ng Petition for Certiorari noong Abril 10, 2019 sa Korte Suprema at mapalad siya na kinatigan ng kataas-taasang korte ang kaniyang petisyon at pinigilan ang Comelec na ipatupad ang nasabing “minute resolution” sa bisa ng isang status quo ante order noong Abril 11, 2019 na agad na epektibo.

Ang Comelec En Banc Resolution No. 19-0286 ay itinuring na diskuwalipikasyon ni Avila sa pagtakbo at sa loob mahigit isang linggo na umalingawngaw ito sa publiko ay sinamantala ito ng
iba na lubos na nakaapekto sa kaniyang kandidatura at pangangampanya.

Ang teknikalidad maging maliit man ito ay nagagamit pabor at laban sa isang tao, sa alinmang kaso lalo na sa halalan ay pumuputok na malaking isyu – noon at ngayon.

At sa mga nakalipas na isyu at diumano’y kontrobersiyang kinasangkutan ng Comelec ay masasabi pa ba nating magiging maayos, tapat at malinis ang magiging halalan?

Tama ang sabi nila, “winning at all cost even if one uses dirty tactics to put your opponent down does not speak well of the character of the candidate”.

 

PMCJr.