LABORER ARESTADO SA KASONG FRUSTRATED HOMICIDE

BAGUIO CITY

Isang construction worker na may nakabinbing kaso ng frustrated homicide ang inaresto ng mga tauhan ng Baguio City Police Office (BCPO)-Kennon Police Station sa Camp 7, Baguio City noong
Mayo 15. Kinilala ang naarestong suspek na si Marson Agamas, 27, tubong Bauko, Mt. Province at residente ng Barangay Lawlawitan, Bauko, Mt. Province. Si Agamas ay inaresto sa Agpaoa Drive, Camp 7, Baguio City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Hilario Venus Belmes, ng Branch 78, Regional Trial Court, Baguio City para sa Frustrated Homicide na may inirekomendang piyansang P100,000.00 noong Mayo 15. Kinasuhan ng Office of the City Prosecutor ng Baguio ang
construction worker ng frustrated homicide dahil sa natamong traumatic brain injury ng biktima sa isang insidente ng kaguluhan.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon