Lahat ng probinsiya sa Cordillera nasa GCQ maliban sa Ifugao

LUNGSOD NG BAGUIO – Limang probinsiya ng Cordillera Region ay nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) Habanf isa lamang probinsiya ang inilagay sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Mayo 15 hanggang Mayo 31, 2021.
Isinailalim sa GCQ ang Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra at Benguet kabilang ang Baguio City. Ang Ifugao lamang ang inilagay sa MECQ. Nauna dito, ang Benguet kasama ang mga probinsiya ng Apayao ng Cordillera at Cagayan ng Region 2 ay idineklarang nasa ilalim ng MECQ na dapat ay mula Mayo 10 hanggang Mayo 23, 2021.
Ang nakaraang deklarasyon ay upang mapigil ang pagdami ng impeksiyon sa Corona Virus Disease (Covid 19) sa mga nasabing lugar. Ang Benguet Provincial Government ay kailangang irekomenda sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang MECQ status para sa probinsiya matapos mapansin ang isang patuloy na pagtaas ng mga kaso at matapos ang kamakailang pagkamatay ng isang tatlong-taon na bata sa probinsiya na may kaugnayan sa COVID.
Ang Apayao hanggang Mayo 10 ay may 989 kumpirmadong mga kaso. Isinailalim sa MECQ ang Ifugao dahil nakakapagtala ang probinsiya ng mas dumaraming kaso. Hanggang 8:00 PM ng Mayo 13, 2021 ay may kabuuang 3,676 confirmed cases ang Ifugao, 2,960 recoveries at 15 namatay na may kaugnayan sa COVID-19.
Nasa MECQ din ang: Lungsod ng Santiago at Quirino Province sa Region 2; at Zamboanga City sa Region 9 mula Mayo 15 hanggang 31, 2021. Ang mga local government units ng limang probinsiya ng Cordillera kasama ang LGUs ng iba pang probinsiya gaya ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Iligan City sa Region 10; Davao City sa Region 11; at Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay mag-uumpisang ipatupad ang mga restriksiyon sa ilalim ng GCQ guidelines sa Mayo 15, 2021.
Ipapatupad din ng National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na inilagay sa ilalim ng GCQ ang heightened restrictions. Ang natitirang mga lugar sa bansa ay isasailalim sa modified GCQ hanggang Mayo 31, 2021.
(AAD/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon