LU hepe ng pulis sugatan sa aksidente

SAN FERNANDO CITY, La Union – Grabeng sugatan ang hepe ng pulis ng bayang ito, matapos banggain ng rumaragasang motorsiklo, habang ang pulisya nagsasagawa ng police motorists checkpoint sa national highway ng Pinili,Ilocos Norte noong Agosto 26.
Kinilala ang sugatang si Police Major Jephre Taccad, 36, hepe ng Pinili Municipal Police Station, na nagtamo ng mga sugat sa katawan nang tumilapon ng ilang metro sa kalsada, matapos banggain ng suspek na si Jeffrey Gamponia, 35, ng from barangay Gabut Sur, Badoc,Ilocos Norte, na lulan ng kanyang motorsiklo.
Ayon kay Police BGen.Rodolfo Azurin,Jr., hepe ng Police Regional Office-1, sasampahan nila ng kaukulang kaso ang suspek, na ang insidente ay hindi maituturing na aksidente sa kabila ng ginawang senyales ni Taccad na huminto ito habang papalapit sa checkpoint, subalit nagtuloytuloy ito at nabangga ang police officer.
Nabatid na wala din umanong suot na helmet ang suspek, na ngayon ay ginagamot sa hospital, kasama ang biktima, na kapuwa nagtamo ng sugat.
Zaldy Comanda/ABN

WASAK

Amianan Balita Ngayon