Lungsod at Kaltimex handa sa compromise agreement

LUNGSOD NG BAGUIO – Handa ang pamahalaang lungsod at Kaltimex Energy Philippines Inc. na pumasok sa isang compromise agreement na lulutas sa kaso sa korte para sa rescission ng kontrata ng huli para sa rehabilitasyon at operasyon ng Asin mini-hydro power plants.

Iniulat ni Engr. Bonifacio Dela Pena sa Management Committee sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong noong Disyembre3 na tinatapos na nila ang terms of accord na magtatakda sa halaga ng babayaran ng Kaltimex bilang “liquidated damages” at ang palugit na panahon na ibibigay ng lungsod sa kompanya nag awing operasyunal ang planta.

Nanalo ang Kaltimex sa bid para sa rehabilitation, upgrading, expansion, operation at management ng tatlong mini-hydro power plants ng lungsod sa Asin, Tuba, Benguet at pumasok sa isang Memorandum of Agreement kasama ang lungsod noong Enero 30,2015 na kinumpirma ng konseho ng lungsod noong Pebrero 9, 2017.

Subalit ito ay hindi nakatugon sa “contractual obligations” nito sa ilalim ng MOA at hindi naumpisahan ang implementasyon ng proyekto at kalauna’y tumangging pansinin ang “demand letters” ng lungsod upang i-remit ang monetary obligations na noo’y tinatayang nasa PhP68.1 milyon kaya hindi nag-atubili ang lungsod na magpila ng isang civi case para sa “cancellation of contract with damages.”

Noong Agosto ay nagbigay si Kaltimex Philippines Executive President Engr. Jurist Awal ng kanilang kagustuhan na ipagpatuloy ang proyekto sa mga bagong lider ng lungsod na may “offer” na bayaran ang bahagi ng nakuwentang obligasyon nito kapalit ng withdrawal ng kaso.

Sa draft compromise agreement, babayaran ng Kaltimex ang lungsod ng PhP13,633,500 blang liquidated damages at i-reimburse ang filing fee na ginastos ng lungsod sa Civi Case No. 8957-R. Papalitan din at i-update ang performance bond na PP150 milyon ng bagong bond. Pisikal na hahawakan din ng Kaltimex ang mga planta at bibigyan ng apat na buwan upang gawing operasyunal ang mga ito.

Noong nakaraang Huwebes ay nakatanggap ang lungsod ng isang liham mula sa kompanya na humihiling na palawigin ang panahon sa limang buwan.

Binigyan-diin pa sa draft accord na iwi-withdraw ng lungsod ang kaso sa oras na mabayaran ng kompanya ang damages at filing fees. Kailangan ding “tapat na sumunod at tumugon ang Kaltimex sa terms and conditions ng compromise agreement gayundin sa MOA na may petsang Enero 30, 2015.

Kapag hindi o tumangging tumugon ito ay may karapatan ang lungsod na “extrajudicially termiate” ang MOA, magpila ng kaukulang mga kaso sa korte at pawalang-bisa ang performance bond pabor dito.

APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon