Lungsod ibinalik ang restriksiyon sa mga menor de edad

LUNGSOD NG BAGUIO – Ibinalik ni Mayor Benjamin Magaling ang “stay-at-home” na restriksiyon sa mga menor de edad na bababa sa 15 taong gulang bilang bahagi ng pag-iingat nito upang tugunan ang pagdami ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) at ang pagpasok ng isang bago at mas nakakahawang variant.
Sa isang advisory na inisyu noong Enero 18 ay ipinagbawal sa mga nasabing grupo ng edad ang paglabas ng bahay maliban para sa mga medikal na layunin at ibang extraordinary emergency situations mula Enero 19 hanggang Pebrero 1.
Ang advisory ay nauukol din sa mga turista at mga aktibidad ng turismo. Inabisuhan niya ang lahat ng establisimiyento na huwag payagan ang nasabing grupo ng edad sa loob ng kanilang mga lugar.
Sinabi ng Mayor na kailangan tingnan ng lungsod ang mahihinang populasyon kabilang ang mga taong ang edad ay bababa sa 15 lagpas sa edad na 6, mga buntis na kababaihan at mga may sakit at malalang sakit. Habang sa ngayon ang advisory ay nauukol lamang sa mga menor de edad, ipinaalala ni Magalong na ang mga ibang grupo na nasa panganib ay sakop pa rin ng prohibisyon sa ilalim ng Executive Order No. 159 series of 2020 na nagmamansato sa kanila na manatili sa kani-kanilang bahay sa lahat ng oras maliban para sa mga imporyanteng layunin gaya ng pagbili ng pagkain at mga pangunahing pangangailangan, mahahalagang utos, medical emergencies, trabaho at pinapayagang mga aktibidad.
“Although we have eased some restrictions in the City, we remain under Modified General Community Quarantine. Consequently, we must continue to keep paramount consideration for our health, safety and general welfare most especially for our children..” ani mayor.
“Consistent with our ‘hammer and dance’ principle which has since proved an effective practice in balancing the management of COVID- 19 with the resurgence of our local businesses, we have to impose restrictions in the coming weeks to mitigate any further clustering among our households,” dagdag niya.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon