Lungsod ng Baguio handa sakaling may panibagong COVID-19 surge

LUNGSOD NG BAGUIO – Siniguro ng pamahalaang lungsod ang kahandaan sakaling may panibagong pagdaluyong ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa kabila ng pagpapapbaba ng mga operasyon sa pagresponde sa nakaraang buwan. Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na siniguro nila na ang prevent-detect- isolatetreat- reintegrate (PDITR) strategies ay nakahanda kahit ibinaba na ang mga operasyon sa pagresponde sa nakaraang mga linggo matapos ang pagbaba ng mga kaso simula Pebrero.
Nagbabala ang World Health Organization (WHO) ng isa pang pagdaluyong sa bansa sa susunod na buwan matapos paluwagin ang mga quarantine and travel protocol at pagkakaroon ng mga social event dahil sa nalalapit na national at local elections.
Sinabi ng Mayor na nagdesisyon sila na panatilihin ang operasyon ng central triage units ngayong buwan kahit pa maraming more accommodation establishments ang nabibigyan ng kapasidad upang magsagawa ng sarili nilang triaging.
Pinapanatili rin ang mga testing center hanggang ngayon upang ipagpatuloy ang case detection at pigilin ang transmisyon. Matapos bumaba ang mga kaso ay isinara ng lungsod ang karamihan ng isolation units o temporary treatment and monitoring facilities (TTMF) ngunit pinatili ang main facility, ang Baguio City Community Isolation Unit kasama ang kinakailangang manpower at equipment.
“We are hopeful that the expected surge will not happen but just in case, we are confident that we can handle it as efficiently as we did during the delta and omicron variants,” ani ng mayor.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon