Lungsod pinabibilisan ang Kennon Road rehab

LUNGSOD NG BAGUIO – Hinihimok ng Lungsod ng Baguio ang mabilis na rehabilitasyon ng Kennon Road na inatasan ang City Planning and Development Office (CPDO), City Engineering Office (CEO) at ang City Council Committee on Urban Planning, Lungsod sa pahina 8 Lands and Housing na tumulong na madaliin ang rehabilitasyon ng panig ng lungsod sa Kennon Road na isinasagawa ng Cordillera office ng Department of Public Works and Highways (DPWHBCDEO).
Sa ilalim ng Resolution No. 279, series of 2021 na nilagdaan ni Mayor Benjamin Magalong, pinangalanan ng mga konsehal ng lungsod ang espesipikong trabaho ng nasabinbg mga opisina kasama na ang paghahanap ng isang relocation site para sa mga residente na maapektuhan bago ang demolisyon ng mga istruktura; paglilinis sa waterways ng Bued River; sisimulan sa mga dumi at basura sa dalisdis sa pagitan ng Bued River at Kennon Road; konstruksiyon ng isang konkretong slope protection upang mapanatili at maibalik ang gumuhong bahagi ng daan; ipinapanukala ang isang land use para sa reclaimed area at suriin ang lahat ng nabawing lugar at isama sa comprehensive land use plan ng lungsod.
Ang tulong ng lokal na gobyerno sa pamamagitan ng mga opisina ay mahalaga, dagdag ng konseho ng lungsod, makakatulong sa pagpapabilis ng isinasagawang rehabilitasyon ng pangunahing daan papunta sa Baguio City at sa rehiyon ng Cordillera.
Nauna nang naimbitahan ang mga opisyal ng DPWH sa konseho upang magbigay-linaw sa implementasyon ng rock netting projects sa kahabaan ng mahahalagang bahagi ng Kennon Road, kabilang ang sa panig ng lungsod, bilang bahagi ng panukalang overall rehabilitation ng 34- kilometrong daan bago buksan ito sa mga sasakyan.
Sa ginawang ocular inspection sa kasalukuyang mga proyekto sa roadline na ginawa noong Mayo 14, 2021, natuklasan na isang gumuhong lupas malapit sa Lion’s Head ay nakakaapekto sa Bued River at sa residential structures sa pagitan ng ilog at ng pangunahing daan.
Nauna ring inirekomenda ng DPWH anf demolisyon ng ilang istruktura na maapektuhan ng ilalagay na panukalang retaining wall para sa slope protection habang ang lokal na gobyerno sa pamnamagitan ng mga may kinalamang opisina ay naatasan na tumingin ng isang relocation site para sa mga residente na maapektuhan bago ang demolisyon ng kanilang itinayong mga istruktura sa nasabing lugar upang hindi maantala ang trabaho sa rehabilitasyon sa lugar.
Subalit ang mga naibalik na lugar na resulta ng proyekto ay hindi dapat gamitin bilang isang building zone, paniwala ng mga opisyal ng lungsod, kaya ang pag-atas sa CPDO na magpanukala ng isang land use para sa reclaimed area na ikinokonsidera ang intensiyon ng DPWH-CAR na gimitin ang ilang baahgi ng property bilang staging area ng mga heavy equipment nito sa pagmimintine ng Kennon Road at bilang isang espasyo para sa pagtatanim ng mga puno upang tumulong na mapatatag at mabawi ang lugar.
(AAD-PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon