Magpatawad na, move on, magtulungan – Mayor Magalong

LUNGSOD NG BAGUIO – Sinabi ni Mayor Benajmin Magalong na panahon na ngayon upang magpatawad, maghilom at humakbang na mula sa mga sakit ng kampanya sa halalan at sama-samang magtrabaho para sa isang mas mabuting Baguio.
“This election brought the best and worst in us. It is very unfortunate that with all the fabricated lies, intrigues, and stories people started hating other people and groups started hating other groups. But now let us heal,” ani mayor sa kaniyang talumpati sa flag raising ceremonies noong Mayo 16.
“Pinapatawad na natin lahat – mga nagsinungaling, mga gumawa ng intriga at mga kung anu-anong istorya. What lies behind us must be set aside while moving and serving forward to what lies ahead… and we must face these na may buong tapang at talino, buong abilidad at karakter at buong katinuan na hinaharap ang mga hamon sa bansa, sa ating lungsod at sa ating kapwa tao.”
Sinabi niya na ang mabuting pamamahala ay magpapatuloy na maging “backbone and driving force” na kaniyang administrasyon upang makamit ang isang mas magandang Baguio.
“Lahat tayo ay may pagkukulang, lahat tayo ay may tungkulin bilang mga taga-Baguio at nagmamahal sa Baguio na ituwid at itama ang mga maling pamamahala, ang mga korupsyon na nangyayari, ang mga katiwaliang naganap,” aniya.
“Those of us who are entrusted to lead a public endeavor have identical aspirations: to look at Baguio and do something to make a difference in making the life of everyone better than before, better than everyone else. We call it service, rather than being served — service in ways unattained by selfish interests, service did all-out in mind, in heart, and spirit.”
“Moving on as one Baguio is moving forward for the people. Always remember, in life as in your selfless work, the best is always yet to come,” pahayag ng mayor.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon