Magsuot ng medical grade o double masks laban sa Omicron – Magalong

LUNGSOD NG BAGUIO – Nanawagan si Mayor Benjamin Magalong sa mga residente, bakunado man o hindi na gumamit ng medicalgrade face masks gaya ng dekalidad na surgical type sa halip na gawa sa tela para sa mas mabuting proteksiyon sa gitna ng banta ng hawaan sa komunidad ng Omicron variant.
“People may also opt for double masks using cloth masks over surgical ones for added layer of defense against the new variant said to be far more contagious than the previous ones,” ani Mayor noong Enero 5.
Dahil sa mas mabilis at madaling kumalat ang omicron, ay inirekomenda ng mga eksperto sa kalusugan sa US at iba pang mga bansa na
kasalukuyang nakararanas ng pagdaluyong ng mga kaso ang pag-upgrade mula sa maskarang gawa sa tela sa mas nakakaprotektang medical-grade disposable masks.
Ang N95 mask ang sinasabing ang “gold-standard pandemic masks” na kayang masala ang 95 porsiyento ng airborne particles na aprubado ng National Institute for Occupational Safety and Health (NIOSH) sa US.
Ang mga disposable surgical masks na 3-ply ay sinasabing susunod sa M95 kung bisa ang pag-uusapan.
Sinabi ni Magalong na kahit na napatunayan na mas mahina, ang mataas na pagkakahawa dito ay nananatiling isang alalahanin dahil maaaring magdulot ito ng asymptomatic at mild cases na tataas kabi-kabila at maaari pa ring makasira sa health care system ng lungsod.
“This is why we should not take the omicron threat lightly and do everything to prepare through tightened restrictions, enhanced all-around control measures and strict adherence to minimum public health standards including the proper wearing of appropriate personal protective equipment like face masks,” ani mayor.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon