Maharlika ipasasakamay sa lungsod sa 2025

LUNGSOD NG BAGUIO – Inihayag ng pamahalaang lungsod na ang agriculture department sa pamamagitan ng Human Settlements Development Corporation (HSDC) ay ipapasakamay sa lungsod ang pamamahala at operasyon ng Maharlika Livelihood Center sa taong 2025 o sa oras nga pagtatapos ng kontratang sumasakop sa paggamit ng istrukturang mismong nasa puso ng lungsod.

Sinabi ni Mayor Benjamin B. Magalong na personal siyang nakipag-usap kay Agriculture Secretary William Dar na nangakong ang pagpapasakamay ng Maharlika Livelihood Center sa pamahalaang lungsod ay mangyayari lamang matapos ang expiration ng kontrata sa 2025.

Nauna dito ay inihayag ng mayor na ang agriculture department sa pamamagitan ng HSDC ay ipapasakamay ang pamamahala at operasyon ng gusali sa pamahalaang lungsod base sa kaniyang pakikipagusap sa Undersecretary na siyang “in charge” sa nasabing bagay.

Dagdag pa niya na sa kasalukuyan ay ginagawa ng agriculture department ang resolusyon ng “internal conflict” sa mga opisyal na namamahala sa operasyon ng gusali at para sa transparent at accountable operation ng livelihood center.

Nakasaad sa resolusyon na lumikha sa livelihood center na noong Abril 28, 1972, na ang city legislative body at M.G. Suntay ay pumasok sa isang kasunduan na magsagawa ng konstruksiyon, operasyon, at pamamahala ng isang multistory supermarket at complex shopping center na kikilalanin bilang Maharlika Livelihood Complex.

Sa orihinal, ang buhay ng kasunduan ay para sa 25 taon mula sa petsa ng pagtatapos ng proyekto bilang pangtapat ng pamahalaang lungsod para sa pagpapatayo ng pasilidad ay primerang lote nito na nasa mismong puso ng lungsod.

Noong Mayo 1972 ay gumawa ang M.G. Suntay ng isang deed of assignment sa nasabing proyekto pabor sa MAR-BAY and Co.,Inc. Isa pa, noong Abril 16, 1975, alinsunod sa Resolution No. 41, series of 1975, ang lease period ay itinaas sa 50 taon umpisa noong Abril 28, 1975 at magtatapos sa Abril 27, 2025.

Noong Agosto 14, 1980, binigyan-pansin ng resolusyon na isang memorandum of agreement ang pinasok at isinagawa ng at pagitan ng MAR-BAY and Co., Inc., at HSDC kung saan ang unang partido ay sumang-ayon na i-negotiate ang transfer at assignment ng leasehold rights, kabilang ang lahat ng pagbabagong ginawa doon gaya ng MAR-BAY Baguio Plaza Hotel at MAR-BAY shopping center, pabor sa HSDC.

Bago ito ay inutusan ng pamahalaang lungsod ang Maharlika Management at contractor ng ginagawang pagbabago sa gusali na itigil at huwag ituloy ang implementasyon ng proyekto dahil sa umano’y kuwestiyunableng integridad ng mga istruktura ng ilalagay na proposed mezzanine na makakaapekto na sa ganda ng lugar.

Naatasan ang City Buildings and Architecture Office (CBAO) na balidahin ang pagtugon ng Maharlika Management sa cease and desist order at para magsunite rin sa pamahalaang lungsod ng detalyadong mga palno at spesipikasyon ng proyekto na ipapatupad sa istruktura para sa evaluation at review.

DAS-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon