Mahigpit na border control muling ipinatupad sa Benguet

LUNGSOD NG BAGUIO – Muling ipinautpad ang border restrictions para sa pagpasok at paglabas sa ilang mga bayan sa Benguet, kabilang ang lungsod na ito kasunod ng naitalang mga kaso ng bagong variant ng coronavirus na B117 sa tehiyon ng Cordillera.
Sa isang resolusyon, inaprubahan ng mga mayor ng BLISTT (Baguio, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba and Tublay) na bumubuo sa advisory council noong gabi ng Martes (Enero 26) ang muling pagpapatupad ng mahigpit na border controls.
“All BLISTT travelers for purposes of work, or to avail of essential goods and services shall present medical certificate or medical clearance issued by any licensed physician,”
nakasaad sa resolusyon ng konseho.
Ang konseho na binubuo ng mga mayor ay nagkasundo na muling pagpapatupad dahil ikinonsidera ang kamakailang sitwasyon ukol sa UK variant at ang muling pagbabalik ng rehiyon sa general community quarantine simula Pebrero 1.
Ang B117 variant ay nakita sa ilang pasyente mula Bontoc, Mountain Province at La Trinidad, Benguet. Ang mga non-resident na magbibiyahe papunta sa BLISTT mula sa ibang mga rehiyon,
probinsiya, lungsod at munisipalidad ay kailangang magpakita ng kanilang travel authority, permit at medical certificate na inisyu sa kanilang pinagmulan na lugar.
“For those coming to Baguio, the process provided in https://hdf.baguio.gov.ph for non-tourists and https://visitat.baguio.gov.ph/ for tourists shall apply,” ani ng advisory. Ang mga taong magbibiyahe para sa medical appointments o konsultasyon ay kailangang magpakita ng patunay ng kanilang kumpirmadong appointments habang ang mga may medical emergencies ay papayagang dumaan.
Ang anumang uri ng supplies, utilitirs, waste management ay malaya ring makakadaan. Nauna dito noong Enero 22, ang municipal council ng La Trinidad ay nag-isyu ng Resolution 1- 2021 na nagrerekomenda ng mahigpit na pagpapatupad ng proactive measures upang mapigilan ang tumataas na bilang ng mga kaso ng Covid-19.
Naging epektibo ang kautusan noong Enero 23, parehong araw na kinumpirma ng Department of Health ang presensiya ng UK variant sa rehiyon. Hanggang nitong Martes (Enero 26), nakapgtala ang Baguio ng 90 bagong kaso, na nasa 558 na ang aktibong kaso. Ang Benguet naman ay nakapagtala ng 50 bagong mga kaso na may kabuuang 255 aktibong kaso.
May kabuuang 1,823 aktibong kaso ang rehiyon ng Cordillera na may 148 na namatay. “The good outcome of this practice is the safety and welfare of his people and of the constituents of the rest of the BLISTT. Though we are all separate and distinct local government units, the communities of BLISTT are so intertwined that it is inevitable that the Covid-19 incidents of one will ultimately affect the others,” nakasaad sa advisory.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)
 

Amianan Balita Ngayon