Major projects sa 2019, inanunsiyo ng CBAO

LUNGSOD NG BAGUIO – Inanunsiyo ng City Buildings and Architecture Office (CBAO) na handa na itong ipatupad ang ilang major programs at projects ng pamahalaang lungsod na napondohan mula sa PhP2.179 bilyon taunang badyet ng lungsod sa taong ito.
Sinabi ni CBAO head Engr. Nazita Bane na ang isa sa natukoy na major project ay ang pagpapatayo ng PhP410 milyon proposed 8-storey city hall annex at multi-level parking structure sa loob ng pag-aari ng lungsod na lote sa barangay Camp Allen na inaasahang maguumpisa sa huling bahagi ng taon.
Inaprubahan ng konseho ng lungsod ang taunang badyet ng lungsod kabilang ang inisyal na P210 milyon para sa paguumpisa ng komnstruksiyon ng proposed multi-storey city hall annex at parking structure at magsisilbi bilang isang legislative building at iba pang opsina ng lungsod.
Dagdag pa niya na isa pang priority project na napondohan din sa taong ito ay ang napipintong demolisyon ng lumang Magsaysay market building para bigyan-daan ang rekonstruksiyon nito sa
halagang PhP20 milyon na maguumpisa anumang oras matapos ang ipinapatupad na election ban.
Higit pa dito ay naglaan ang lokal na gobyerno ng may PhP15 milyon para sa pagkukumpuni ng skating rink ng Burnham Park upang mapahusay ang kalagayan ng parke at mahimok ang mas
maraaming residente at bisita na tangkilikin ang pangunahing parke ng lungsod.
Ang pagkukumpuni at pagpapahusay sa satellite market sa Pacdal at Gibraltar ay nabigyan din ng Php10 milyon.
Iniulat ni Banez na may 15 kasalukuyang proyekto ang CBAO na napondohan ng nakaraang taon sa badyet na PhP69.4 milyon habang may walong (8) proyekto ang naipatupad na at natapos sa
kabuuang halaga na PhP1.1 milyon.
Sa mga priority project ng lokal na gobyerno na kasalukuyan ay kabilang ang PhP44 milyon upgrading ng Baguio swimming pool kung saan bahagi ng proyekto ay ang pagkakabit ng mga solar panel na magpapainit sa tubig sa pool at kumplesiyon ng CBAO building.
Nauna dito ay inaprubahan ng City Development Council ang listahan ng priority projects ng lokal na gobyerno na naisama sa Annual Investment Plan (AIP) ng lungsod kung saan ang mga
proyekto na mapopondohan ay napili.
Sa ilalim ng mga probisyon ng Local Government Code ay may mandato ang mga lokal na gobyerno at mga kinatawan ng pribadong sector na makipagtalakayan sa priority development
projects na maibibilang sa short, medium at long-term development plans ng lungsod na magsisilbi bilang blueprint sa paglikha ng pag-unlad at paglago ng lungsod.
Ang city building official ay ang tanging department head sa lokal na gobyerno na hindi nasa ilalim ng direktang superbisyon ng lokal na punong ehekutibo dahil ang nasabing pinuno ng departamento ay direktang nasa ilalim ng superbisyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
 
PIO/PMCJr./ABN

Amianan Balita Ngayon