Mayor nagbabalang itigil ang subsidiya sa PUJs na doble ang singil

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagbabala si Mayor Benjie Magalong noong Martes (Mayo 19) na ititigil ang pagbibigay ng subsidiya sa mga asosasyon ng jeepney na naniningil ng dobleng pamasahe.

Sinabi ng mayor na patuloy siyang nakakatanggap ng mga ulat na ilang asosasyon ay patuloy na nangongolekta ng karagdagang pamasahe na hindi awtorisado sa kabila ng naabisuhan at napaalalahanan sila laban dito.

PhP9 ay ang minimum na pamasahe.

Ayon pa kay Magalong ang layunin ng pagbibigay ng subsidiya ng pamahalaang lungsod ay upang mabigyan ang mga jeepney drivers ng pagkakataon na makabawi sa kanilang pagkalugi dulot ng paglimita ng bilang ng mga sakay dahil sa Coronavirus disease (COVID-19) safety measures.

“But if you are already getting the subsidy but are continuing to collect fares beyond what is authorized, then you are already profiteering and violating the terms of the subsidy and therefore are not anymore deserving of the aid,” ani mayor.

“I will therefore stop the grant of the subsidy unless the drivers and operators will get their acts together,” babala niya.

APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon