Mayor sa Ilocos Norte, suspendido ng isang buwan

LUNGSOD NG LAOAG – Iniutos ng Office of the Ombudsman ang isang buwan na suspensiyon ng mayor sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte dahil sa simpleng kapabayaan.
Ang suspension ni Mayor Alex Calucag ay mula sa reklamo laban sa kaniya ng dating konsehal na si Samuel Balantac, dahil sa paglabag sa implementing rules and regulations ng Government Procurement Reform Act.
Napatunayang nagkasala si Calucag nang i-award niya sa isang non-compliant bidder ang pagbili ng mga gamot noong Hulyo 2017.
Sa panayam kay Calucag, sinabi nito na nirerespeto niya ang desisyon subalit handa siyang umapela sa korte.
“I accept the decision. In fact, I am happy about it. Perhaps, it’s giving me a sign,” aniya.
Ang desisyon ng Ombudsmand ay inihatid sa Office of the Mayor noong Hunyo 4.
Binigyan ang mayor ng limang araw mula sa araw ng pagtanggap upang magpila ng motion for reconsideration. L.ADRIANO, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon